ZEUS THANATOS (SB#1)
Hindi niya alam kung dahil sa gown, sa spotlight, o sa lalaking iyon.
Mahaba ang gabi. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras mula sa 18th Roses kung saan nagpaikut-ikot ang damdamin niya. Naramdaman niya ang bigat at kilig nang una siyang hawakan ni Zeus sa sayaw, sumunod si Poseidon na halos ipaiyak siya sa pagiging protective, at ang yakap ni Daddy Phoenix na halos hindi siya bitiwan. Sunod ay ang 18th Candles, kung saan umiyak siya sa bawat mensahe ng mga babaeng naging bahagi ng buhay niya. Ang 18th Bills at 18th Shoes ay halos hindi niya natapos sa tuwa.
At ngayon, ang 18th Treasures.
Hot Chapters