Reborn as a Naughty Stepmom of the Billionaire's Childrens
Si Ezra Monteverde ay isang mahusay at kinatatakutang abogado. Bata pa lamang ay nakilala na siya bilang babaeng hindi kailanman natatalo sa korte. Ngunit sa mismong araw na ilalantad niya ang pinakamalaking kaso ng korapsyon sa bansa, pinagtaksilan siya ng mga taong pinagkakatiwalaan niya. Ang mas masaklap, pinaslang siya bago pa man niya maibunyag ang katotohanan.
Akala niya'y katapusan na iyon ng kanyang buhay.
Ngunit nang muli siyang magmulat ng mga mata, hindi na siya ang abogadang si Ezra.
Nagising siya sa katawan ni Ezelle Laurent, ang batang asawa ng isang bilyonaryong negosyante at ang pinakakinamumuhiang madrasta ng tatlo nitong anak. Kilala si Ezelle bilang isang maluho,