Your Embrace, My Sanctuary
Pambihira, mas magaling na artista pa ito kaysa sa kanya!
Nakatambay si Amber sa side deck ng luxury yacht ng kanyang ama. Gabi niyon, kay dilim at wala man lang tala sa kalangitan, pakiramdam pa nga niya’y uulan dahil ilang beses na niyang narinig na kumulog. Hindi rin niya gusto ang madilim na karagatan. Mula Metro-Manila ay tumungo sina Amber, ang kanyang ama at iba pang kasama sa bayan ng Curiao malapit din sa Tumawon upang mangampanya. Ngayon mula doon sa bayan ng Curiao, papunta rin sila ng kabilang bayan patawid ng dagat gamit ang yate. Nauna na daw doon ang mga tagasuporta ni Juancho Villacosta at sumunod sila para doon naman mangampanya. Pero tila masama ang kutob ni Amber sa panaho
인기 회차