The Maid Who Stole the Señorito's Heart
Narinig niya ang mahina nitong tawa—isang tunog na matagal na niyang hindi narinig, mas malaya at mas masaya kumpara sa mga tawa na ibinibigay nito sa kanya.
"Gabriel! Ang tagal nating hindi nagkita!" malakas at matinis na boses ng babae—matamis sa pandinig ng iba, pero matalim sa puso niya. "Ang gwapo mo lalo, nakakainis!"
Ngumiti si Gabriel…isang ngiti na halos mapabagsak sa tuhod niya.
"You too, Arianna," sagot ng binata, ang tingin ay hindi umaalis sa mukha ng dalaga. "You look... stunning."