Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
What's Wrong with Miss Alex?

What's Wrong with Miss Alex?

Meganne Lou Laxa o mas kilala bilang si Secretary Laxa, she worked hard as the CEO’s Secretary sa Estrellas Group ngunit after 10 years she resigned due to personal reasons. Gusto n’ya rin kasing magawa ang mga oridinaryong bagay lang sa iba pero impossible sa kan’ya, gusto n’yang hanapin, ano ba talaga ang para sa kan’ya? But little did she know na ang katulad n’yang mapagmahal sa pamilya, positive, dedicated, maloko at pala ngiti ay magiging the one ng isang taong hindi pa buong tanggap ng lipunan. Sa tagal ni Secretary Laxa na nagtratrabaho sa Estrellas ay nakatagpo na rin ito ng mga tunay na barkada at ng taong tinuturing n’ya bilang kan’yang matalik na kaibigan sa matagal na panahon, si Alex Estrellas na siya ring bunso ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang kan’yang pinagtratrabahuhan. Ngunit biglang bumaliktad ang mundo ng sabihin ni Alex ang mga katagang, Meganne Lou Laxa, mahal kita, mahal na mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan. Ilang taong naging alipin si Meg ng pagkakataon, na halos mawalan na ito ng sariling buhay para lang maitawid ang pangangailangan ng kan’yang pamilya. Ngayon? Handa pa rin ba siyang panindigan ang gusto n’ya kahit halos kontra ang lipunan? Na halos lahat kwinikwestiyon kung sino at ano ang tao pinili n’yang mahalin? Hanggang kailan kaya mairarason ni Meganne ang mga katagang, bakit hindi siya? Bakit hindi pwedeng siya? Bakit, what’s wrong with Miss Alex?
LGBTQ+
7.9K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Napagkamalan si Candice na kasabwat sa pagkidnap sa 'anak' ng pinakamayamang tao sa Puerto del Cielo, si Sebastian Monte Bello. Pero hindi lang ito basta mayaman, makapangyarihan din ito, arogante antipatiko, at walang modo. Pero bakit sa halip na magalit siya dito, kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. She was slowly falling in love with him. Paano nga ba namang hindi? Ito na yata ang pinaka-gwapo at pinaka-seksing nilalang na nakilala niya kahit na nakatalikod! Pero paano kung ang kapalit ng pagmamahal niya dito ay isang nakaambang panganib? Susugal pa ba siya?
Romance
106.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Mafia Boss Pick up a Child

The Mafia Boss Pick up a Child

A-Bleu
The Mafia Boss Kylo Lucian.Kilala sa pagiging mahigpit, malupit, at walang awa.Wala siyang pinapalagpas na atraso ng kahit sino man. Marami ang umaasa na balang araw kapag may napusuan siya babae ay magbabago ang pag-uugali niya.Magbabago ang  malupit na Mafia Boss.Subali't posibli nga ba? Kahit na parang wala itong balak na pumatol sa babae o mag-asawa? Akala ni Kylo ay hanggang hindi siya mag-aasawa ay walang makakapagpaikot sa kanya na kahit sinong babae sa palad nila.Hinding-hindi siya bibigay sa kahit na sino. Yan ang pangako niya sa sarili. Pero sino ba ang mag-aakala na hindi nga asawa ang makakapagpabigay at makakatunaw ng matigas na puso ng isang Kylo Lucian—Kundi isang 4 na taon na batang babae, anak ng lalaking nagkakautang sa kaniya na bigla nalang nawala.
Other
7.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Cleopatra's Choice

Cleopatra's Choice

Lumaki si Cleopatra na nakatatak na sa isip niyang si Primo ang lalaking para sa kan'ya. Ang lalaking pakakasalan niya ngunit paano kung biglang magbago ang ikot ng mundo? Paano kung malaman niya ang itinatago nitong sikreto? Matutupad pa kaya ang nais niyang maging bride nito? Paano kung ang safest choice niya ay hindi naman ang totoong tinutibok ng puso niya? Sino nga ba ang pipiliin niya, ang lalaking ipinagkasundo sa kaniya o ang bestfriend nitong laging andiyan para sa kaniya?
Romance
107.5K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
CINDERELLA FOR RENT!

CINDERELLA FOR RENT!

Paano kung isang araw ay may isang estranghero na bigla na lamang mag-alok sa iyo ng kasal? Handa ka bang tanggapin ang mapusok na alok nito, o mas pipiliin mong tanggihan? Halina't tunghayan at alamin kung papaano mababago ang buhay ni Gelay De Castro sa alok ni Hadi Sandoval? *** Lumaki na hirap sa buhay ang dalagang si Gelay, simula nang pumanaw ang kanyang ama ay siya na rin ang umako sa responsibilidad na naiwan nito sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging panganay na anak ay ginampanan na rin niya ang pagiging Padre de pamilya para sa kanyang Nanay Myrna at dalawang nakababata pang kapatid. Wala siyang pinipiling pasukan na trabaho, basta ba't legal at marangal ay wala iyong problema sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Hadi Sandoval—ang lalaking malamig pa sa yelo kung makitungo sa kapwa tao. Sa hindi malamang dahilan, inis para sa isa't-isa agad ang kanilang naramdaman simula noong unang magkita. They also both wish not to see each other anymore…ngunit tunay na mapaglaro nga naman ang tadhana. Dahil itinakda ng pagkakataon na muli silang magkita… sa pagkakataon ito ay inalok siya ng kasal ng Binata. A marriage for inconvenience. Pakakasal siya kay Hadi, kapalit ng malaking halaga. Tanggapin kaya ni Gelay ang alok na maging Cinderella for Rent?
Romance
108.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I am his... Stranged Wife

I am his... Stranged Wife

Nikka Guzman is a popular international model of Korea. When she returned to the Philippines, Makikita pa ba nya ang pamilyang iniwan niya ng dahil sa kanyang pangarap? May babalikan pa ba siyang PAMILYA? George Nieva a man who waits for the woman he left for a dream. Pero, sa paghihintay nya sa babaeng minamahal, may umalok sa kanya ng trabaho na maging isang sikat na artista, tinanggap niya ang alok hanggang sa makalimutan nya ang babaeng hinihintay niya at natukso siya sa ibang babae. --- - Mabubuo pa ba ang pamilyang nagkalayo? Tuluyan nang maghihiwalay? Trust, Love, Patience and Sacrifice Ang mga salitang iikot sa kanila. — Copyright 2022 © Xyrielle All Rights Reserved No Copy Stories No Plagiarism Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Romance
106.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.98.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

"Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?
Romance
108.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Other Woman of the CEO

The Other Woman of the CEO

Si Alona Adarna, isang contestant sa Miss Pasig City 2020, ay hindi inakalang magbabago ang kanyang buhay nang makilala niya si Neil Custodio, isang napakagwapong billionaire na nagmamay-ari ng pinakatanyag na Airline Company sa Philippines ang Tropical Air at hurado ng patimpalak. Sa isang lihim na relasyon na walang kasiguruhan, nahanap ni Alona ang kanyang sarili sa isang mapait na sitwasyon—minamahal niya si Neil, ngunit para kay Neil, siya ay tila isang palamuti lamang-isang lihim na kasamang nagpapalipas ng oras. Sa loob ng dalawang taon, ang kanilang tago at masalimuot na relasyon ay lumalim, habang si Alona ay tinutulungan ang kanyang ina na magpagamot mula sa lupus sa Australia. Ngunit dumating ang oras na kailangan ni Alona tanggapin ang mapait na katotohanan—si Neil ay ikakasal sa iba. Ang huling gabi nilang magkasama ay nagbunga ng isang lihim na nagpapabago sa kanilang kapalaran at kailanman hindi maisasaayos ng tadhana. Habang si Neil naman, sa una ay masaya sa kanyang bagong kasal kay Wilma, hindi niya alam na may isang malalim na sugat sa kanyang puso na iniwan ng pagkawala ni Alona. Limang taon ang lumipas, Tahimik na pinalaki niya ang kanyang kambal at dala ni Alona ang lihim nila Emerald at Aniego. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, hindi inaasahang magkrus muli ang landas nila ni Neil-isang pagkikita na puno ng hindi inaasahang mga rebelasyon. Paano niya haharapin mag-isa ang pagiging dalagang ina na dulot ng huling gabi nila ni Niel?Makakayanan kaya niyang ipagtapat ang lihim ng kambal?At si Neil,paano niya tatanggapin ang katotohanan?Magdududa ba siya o mararamdaman ang masakit na katotohanan na sila'y kanya nga?
Romance
108.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Chasing Betsy

Chasing Betsy

LadyClarita
Betsy Makabayan is your 'not so' typical bente-singko anyos raketera girl. Paano ba naman kasi maliban sa pagiging isang call center agent at sa iba-ibang raket na pinapatos niya, isa rin siyang magaling na artista. Isang araw, hiningan siya ng pabor ng isang babaeng haponesa, sa sa mga naging clients niya. Kapalit ng malaking halaga, si Betsy ay pumunta ng New York at nagpanggap bilang si Yuri Haruko. Kahit na walang kaalam-alam sa business world, naglakas loob lamang siyang magtungo doon. There she met Jack Wills, an American rugged looking guy who's convinced that Betsy is not the person who she said she is.
107.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status