ANG PIYAYA NI PIPAY
Ilang sandali ay nagsalita ito, ang kalmadong boses niya ay tila may bahid ng pagod at pag-iisip.
"Buti pa, Pipay, sumama ka sa akin," sabi niya bigla.
"Saan, Sir?" tanong ko, hindi maitago ang pagtataka.
"Mag-bar tayo," sagot niya, diretso ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang mukha.
"Bar? Parang... barita ng sabon?" inosente kong tanong.
Bahagya siyang tumawa. "Hindi, Pipay. Bar—isang lugar kung saan puwedeng mag-relax, mag-inom, at mag-enjoy," paliwanag niya.