Déjà Vu
“Basta . . . kung dumating ang araw na kailangan mo ng taong kakailanganin . . . please . . . ako na lang, Savvy. Ako na lang ang kailanganin mo. Kasi kailangang-kailangan kita.”
Bahagya siyang ngumiti bago yumuko, kasabay ng pagbitiw niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kung anong kaba dahil doon, lalo na noong tumingin siya sa akin nang mas may seryosong mga mata.
“Bakit mo ako kailangan? Bakit mo ako kailangang . . . kailangan?”
Napalunok ako, at mas lalo kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Hindi . . . hindi masakit, eh. Hindi dahil sa kape ito o dahil kulang na kulang ako sa tulog.
الفصول الرائجة