The Don's Exclusive Masseuse
Wala itong binitawang salita at tumalikod lamang, kasabay niyon ay ang pagbaba rin ng dalawa ng kanilang mga armas.
Saglit na katahimikan at sinira iyon ng isa sa mga kasambahay na nagngangalang Jenna base sa kaniyang name plate na nasa uniporme.
"Nakahanda na po ang pagkain sa sala, Don." magalang na aniya.
"Tawagin mo na si Kian sa taas," malamig na sambit ng Don na hindi man lang ako nilingon.
Nakakaisang hakbang pa lang ako ay nagsalita agad ang Don, "Not you, Mayari."