LOVE THAT BREAKS THE SILENCE
“Sa loob ng panahong ito, mananatili kayong hiwalay. Walang pagkikita, walang tawagan, walang lihim na pagpapalitan ng balita, at walang pakikialam sa mga gawain ng isa’t isa. Kung pagkatapos ng isang buwan ay matatag pa rin ang inyong desisyon at walang pagbabago sa inyong damdamin—pag-uusapan natin ito nang mas malalim at tapat. Ngunit kung sa panahong ito ay mapapansin kong humihina ang inyong paninindigan, o kung may mangyaring makasama sa ating mga negosyo, wawakasan ko ito sa paraang hindi ninyo magugustuhan.”
Tumingin siya kay Ginoong Sebastian, na tumango bilang pagsang-ayon. “Ito ay makatarungan. Isang buwan ng pagsubok. Kung ang tinatawag ninyong wagas na pagmamahal ay sapat na mat