The Billionaire's Contracted Wife
Si Amara ay isang matalinong corporate consultant na bihasa sa iba't ibang usapan sa loob ng boardroom, ngunit dahil sa biglaang problema na kinaharap ng pamilya niya ay napilitan siyang tanggapin ang isang “deal” sa lalaking hindi niya kailanman naisip na magagawa niyang lapitan for the sake of her family's survival.
Para iiwas ang kanyang ama sa pagkakakulong at upang iahon sila sa pagkakalugmok sa milyones na utang na wala siyang kaalam-alam, napilitan siyang tumanggap ng tulong mula sa CEO ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.
Dala ng desperasyon na maayos ang problema nila, tinanggap niya ang alok ng nag-iisang Cadmus Saint Aleksandr, kilalang cold, ruthless billionaire ng Aleksandr Conglomerates.
Ang kapalit ng papeles na pinermahan niya ay kontratang magtatali sa kanya at magbibigay limitasyon sa kalayaan na mayro'n siya. She needs to sign a contract where she is required to act as Cadmus' wife and the contract will end... ONLY if she bears a child—an heir of Cadmus' wealth, a child destined to continue the legacy of a prominent family—Aleksandr.
Matatagalan kaya niya ang buhay bilang asawa ng isang bilyonaryo kung saan bawat galaw ay lantad sa publiko at madalas gawan ng issue o piliin niyang sumunod sa kontrata kung saan pagkatapos ng dalawang taon ay aalis ito at kailangan maglaho?
Magawa niya kayang panindigan ang bulong ng isip na kontrata lamang ang pagsasama nila, o hahayaan na lang sundin ang puso at reaksyon sa init na nararamdaman sa bawat paglapit ng lalaki?
Sa mundong pinasok, sa kontratang sinelyohan, alin ang pipiliin niya, ibabalik ba ang sakit na maaring maramdaman habang nasa puder s'ya ng lalaking ayaw niyang makasama o tatanggapin ang sinasabing pag-aalala at pagmamahal ng lalaking nagparamdam sa kanya ng mga bagay matagal pangarap maramdaman?