분야별
업데이트 중
모두연재 중참여
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
LOVE DESERVES ANOTHER CHANCE

LOVE DESERVES ANOTHER CHANCE

Akala nila Valerie ay magkakaroon siya ng happy ending kasama si Knight mula sa kanilang arrange marriage, pero matapos ng kanilang kasal ay doon niya naranasan ang sakit. Hindi siya mahal ni Knight at hindi siya nito minahal ni minsan dahil ang totoong babaeng gusto nito ay si Emma, tinanggap niya ang lalaki at ang relasyon nila ni Emma upang manatili siya sa tabi nito. Pero sa hindi inaasahan, kasabay ng kaniyang pagbubuntis ay ang pagpapasya niyang iwanan na si Knight para kay Emma. Ilang taon ang lumipas at muli siyang nagbabalik, hindi nag-iisa... kundi tatlo sila. Wew!
10322 조회수연재 중서재에 12회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
10519 조회수연재 중서재에 16회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.7882 조회수연재 중서재에 20회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
Chasing my True Love: Betrayed by My Love

Chasing my True Love: Betrayed by My Love

Sa pag aakalang pinikot ni Samantha si Billy sa mismong gabi ng engagement niya kay Hera, limang taon niyang minaltrato ang babae, ginawang kasangkapan, na papansinin lang kapag maglalabas ng init ng katawan. Subalit matapos lumabas ang katotohanan, bumaliktad ang kanilang mundo.. si Samantha na ngayon ang nang aabuso, habang patuloy na hinahabol ng dating asawa. "Nagkamali ako.. ano ang dapat kong gawin, para mapatawad mo ako?" nakikiusap ang tinig ni Billy. "Mawala ka sa paningin ko, habang buhay!" matigas na tugon ni Samantha.
106.3K 조회수참여서재에 200회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
553 조회수연재 중서재에 13회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
The Chairman's Heir Mother

The Chairman's Heir Mother

Hindi nag-uulit ng babae si Luigi Donovan. Kapag naikama na niya ang babae, hindi na niya ulit hinahawakan pa. Pero nang makilala niya si Lavender Salvacion sa isang nightclub at nagkaroon sila ng one-night stand, nasira ni Luigi ang sarili niyang panuntunan. Hindi niya mapigilang isipin kung paano siya nito ginawang maghangad pa ng higit. At sa gabing iyon din, nasa desperadong sitwasyon si Lavender kaya nauwi siya sa pagnanakaw ng pera kay Luigi. Si Luigi ang tipo ng taong hindi hinahayaan na makaligtas nang walang parusa ang mga gumawa sa kanya ng mali. Hiningi niya ang kapalit ng ninakaw sa paraang hindi kailanman inakala ni Lavender, ang magbuntis para sa tagapagmana ni Luigi.
288 조회수연재 중서재에 8회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
1016.1K 조회수연재 중서재에 466회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
Chasing His Secretary Wife (SPG)

Chasing His Secretary Wife (SPG)

Hindi inasahan ni Natasha na magbabago ang takbo ng kanyang buhay matapos niyang dumalo sa isang okasyon. Sa araw na iyon, ibibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. At matapos ang gabing iyon, nagbubunga ang mainit na sandaling pinagsalita nila dahilan para maging magulo ang payapang buhay ni Natasha. Dahil ang lalaking nakabuntis sa kanya ay si Ezekiel Villar. Ang lalaking ubod ng guwapo ngunit mayroon ugaling hindi kaaya-aya. Makakaya kaya ni Natasha na makasama sa isang bubong ang lalaking unti-unting dudurog ng kanyang puso kapalit ng karangyaan? O mas pipiliin na lang niyang lumayo kapalit ng katahimikan?
107.3K 조회수참여서재에 290회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
After Divorce: No Second Chances

After Divorce: No Second Chances

Isinuko ni Scarlett ang pangarap niya para pakasalan ang lalaking matagal niya ng mahal. Sa loob ng limang taon na pagsasama nila ay nakipaghiwalay sa kaniya ang asawa niyang si Elijah Logan sa araw ng wedding anniversary nila. Yun din sana ang araw na sasabihin ni Scarlett na buntis siya. Pinirmahan niya ang divorce paper without saying a word and naglaho na. Five years after their divorce, Scarlett returns as a famous designer—cold, stunning, and untouchable. Elijah wants her back. But the child she’s hiding? The truth she’s keeping? They’ll destroy him. Because all these years, Scarlett believed her baby belonged to her ex-husband, only to discover the real father is someone far more dangerous… Elijah’s younger uncle. And Scarlett didn’t come home for love. She came home for revenge, against the man who broke her, and the family who ruined her life.
10486 조회수연재 중서재에 17회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
8.2K 조회수참여서재에 279회 cha young로 추가됨
보기
+보관함
이전
1
...
1011121314
...
45
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status