Daddy 1
Seryoso siyang nakatingin sa akin at puno ng pag-aalala.
"Pwedi mo akong kausapin anak kung may problema ka, kung may dinaramdam ka. Lagi kong sinasabi saiyo 'yan. Wag mong sarilinin, andito lang ako, ng mga tito mo, lolot lola mo at Kuya Carlo mo." Malungkot at seryosong sabi ni Daddy habang hinahaplos ang pisngi ko. Napapikit ako ng mata sa ginhawang hatid nito, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa bawat haplos ni Dad. "We are willing to listen and accompany you whenever you need us. Lalong-lalo na ako, Anak."