กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
Romance
1015.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.7K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MOON BRIDE

MOON BRIDE

A MYSTERIOUS AND ANCIENT FAMILY... A GIRL LIVING A SIMPLE LIFE BUT CARRIES AN EXTRAORDINARY DESTINY... SA isang malayong bayan ng Tala, simple at tahimik ang buhay ni Ayesha. Hanggang biglang may sumulpot na mga lalaki sa buhay niya. Siya daw ang moon bride at kailangan niya mamili kung sino sa kanila ang kanyang mapangasawa para isakatuparan ang tradisyon ng mga pamilya nila mula pa noong unang panahon. Kasabay ng pagsulpot ng mga Alpuerto sa buhay ni Ayesha ay ang mga rebelasyon din ng tunay niyang pinagmulan at ang kahulugan ng mga panaginip na paulit-ulit siyang dinadalaw sa gabi. But being a moon bride is never easy. Lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa mga Alpuerto. Danger and darkness is lurking in the shadows. Naghihintay ng tamang sandali para pabagsakin ang pinakamatandang angkan sa kasaysayan.
Romance
1018.8K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.826.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Till Contract Do Us Part

Till Contract Do Us Part

Dahil sa malaking problemang kinakaharap ng pamilya ni Bella, kinailangan nyang lumuwas ng Maynila upang makipag-sapalaran. Since sya lang ang inaasahan sa kanila, nag-doble kayod sya upang matugunan ang iba pa nilang pangangailangan at maisalba ang bahay at ilang ari-ariang naipundar ng kanyang mga magulang. Bukod doon, kailangan din nyang maipagamot ang kanyang amang may sakit. Dito nya makikilala ang isang lalaking magiging parte ng kanyang buhay. Isang mayamang abogado. Kapalit ng tulong na ibibigay nito sa kanya, ay ang alok naman nitong kasal pansamantala lamang. Kasal na sa mata ng lahat ay isang perpekto at masaya, ngunit sa kabila nito ay isang kontratang naglalaman ng mga kasunduan. Mapaglalabanan kaya nila ang bugso ng damdamin, o mapapanatili ang sinumpaang kasunduan?
Romance
10417 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Nilimot Na Alaala

Nilimot Na Alaala

MATURE CONTENT/R18 Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
Romance
109.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
His Bandit Heart

His Bandit Heart

Pxnxx
Ang tanging gusto lang naman ni Rhyna ay maghanap ng trabaho. Pero mukhang hindi sang-ayon sa kaniya ang panahon. Dahil matapos niyang mabasa ng ulan ay isang ubod ng supladang buntis naman ang kaniyang nakilala. Hindi lang doon natapos ang kaniyang malas. Dahil matapos nitong mailuwal ang sanggol, pumanaw ito. Ngayon naiwan sa kaniya ang responsibilidad sa pag-aalaga sa bata dahil na rin sa utos ng Lola nito. Ayos lang naman iyon sa kaniya. May susuwelduhin naman siya sa pagiging ina ni Renzo. Ang hindi okay ay ang pag-uwi ng ama nitong ubod ng kaantipatikuhan. Pero siguro kailangan niya nang maniwala na totoo ang mga binabasa niyang pocketbooks. Dahil pagkalipas lamang ng ilang linggo'y nagbago ang pakikitungo sa kaniya ni Rios. Ngayon inaalok na siya nito ng kasal. Ang malala pa'y gusto na raw nitong bigyan ng kapatid si Renzo.
Romance
2.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
454647484950
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status