Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Blurb Labis na pinagsisisihan ni Sandy nang magkrus ang kanilang landas ni Dimitri Vinocencio. Ang lalaking inibig at nagpatibok ng kaniyang puso at maging ang lahat sa kaniya ay nagawa niyang isuko. Lihim silang nagpakasal. Subalit ang inakala 't masaya nilang simulan bilang mag-asawa na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan katulad sa kanilang simumpaang PAG-IBIG NA WAGAS, makalipas lamang pala ng tatlong taon ay MAGWAWAKAS. Siya na mismo ang sumuko. Matapos ipinamukha ni Dimitri sa kan'ya kung gaano pa nito ka-mahal ang ex-girlfriend at first love nitong si Lindsay na ngayo'y nagbabalik ay nakapag-desisiyon siya hiwalayan na ang asawa. Sa kaniyang pagbangon muli mula sa lusak matapos ang diborsyo. Sino ang mag-aakala? Na ang sikat na Jewelry designer na hindi nagpakilala sa publiko at ang matagal nang hinahanap ni Dimitri dahil sa natatatangi nitong mga obra ay walang iba kun 'di ay siya. Si Sandy Ariela ang nag-iisang Unica Hija ng nag-uumapaw sa karangyaan mula pamilya ng mga Delavin. Siya rin ang unknown magic fortune teller sa investment bank na ngayon ay hinabol ng halos lahat ng Business Tycoons mapansin lamang ang mga ito. Isa na roon si Dimitri na matagal nang naghihintay na muli silang magkita ng dating asawa na nawala noon na parang bula. Ngayon ay nakita na nito si Sandy ay hindi na niya ito pakakawalan pa na noon hay halos mabaliw siya kahahanap sa bawat araw na lumipas ay kabiguan lamang ang nakukuha. Magawa pa kaya ni Dimitri na mahuli ang sa nagyo 'y mailap na puso ng dating asawa na minsan ay naging kaniyang pagmamay-ari?
Romance
1028.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status