Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

“Don’t expect me to love you, Lian. I only married you because I knew I could control you. You’re just a plaything, easy to use, easy to manipulate.” – Prince Yul Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
727 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as dumating
Read
+Library
My Brother Wants Me

My Brother Wants Me

“In a family built on secrets, loving the wrong person may be the only truth left.” Si Loriene Tianelle Mejes ay lumaking parang prinsesa—ang bunsong anak ng makapangyarihang pamilyang Mejes na sanay makuha ang lahat ng kanyang naisin. Ngunit sa kabila ng marangyang buhay at pagmamahal ng pamilya, may isang bagay na kailanman ay hindi niya nakuha: ang atensyon at lambing ng malamig at mailap na si Jaxon Roan, ang panganay na tila laging may pader sa pagitan nilang dalawa. Ang hindi alam ni Loriene, bawat paglayo ni Jaxon ay hindi dahil sa kawalan ng pakialam, kundi dahil sa isang damdaming matagal nitong itinatago—isang pagnanasang ipinagbabawal niyang maramdaman para sa babaeng itinuring niyang kapatid. Gumuho ang mundo ni Loriene nang dumating si Angelique, ang tunay na anak ng mga Mejes, at sa isang iglap ay nawala ang lugar na matagal niyang inakalang kanya. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang pagkakakilanlan, nabunyag ang katotohanang hindi pala sila magkadugo ni Jaxon—isang rebelasyong naging simula ng pag-ibig na matagal nang pinipigilan. Sa isang bahay-tabing dagat, malayo sa mapanghusgang mundo, sumiklab ang damdaming matagal nilang ikinadena. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay naging mitsa ng galit ng pamilyang Mejes, dahilan upang sila’y paghiwalayin at itapon si Loriene sa isang payak na buhay sa probinsya. Pagkalipas ng tatlong taon, nagbalik si Loriene bilang isang matagumpay na propesyonal—mas matatag, mas malamig, at hindi na ang babaeng minsang iniwan. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang kanyang mundo nang magtagpo sila ni Jaxon, ngayo’y engaged na sa iba. Habang muling nag-aalab ang dati nilang damdamin, isang mas malalim na sikreto ang mabubunyag—isang katotohanang maaaring sumira o tuluyang magpalaya sa pag-ibig na kahit panahon, kasinungalingan, at paghihiwalay ay hindi kayang patayin..
10321 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as dumating
Read
+Library
Im His True Love SPG

Im His True Love SPG

Kilalang tahimik, seryoso, at walang paligoy-ligoy kung magsalita si Rafael Montenegro-ang CEO ng Montenegro Corp at nagmamay-ari ng mga luxury hotels sa buong bansa. Isang lalaking bihirang ngumiti at mas pinipiling manahimik kaysa makihalubilo,maliban sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Misty Vergara-isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay. Naging katulong si Misty sa bahay nila Phyton sa loob ng isang buwan ng una siyang makita ni Rafael. Hanggang sa magsimula ang kwento nila sa asaran,away ,at tampo.Pero may hangganan ang lahat. Sa muling pagtanggap ng trabaho mula sa employ ni Misty,hindi niya akalain na si Rafael pala ang maging boss niya.Pero huli na ang lahat para siya ay umatras. Ngunit paano kung sa kalagitnaan nang kanilang pagmamahalan,dumating ang mga pagsubok na magpapabago sa lahat. Bumalik ang unang pag-ibig ni Rafael-ang babaeng minsang minahal niya nang lubos. At kasabay nito, ang alok ng ina ni Rafael kay Misty: layuan ang anak niya kapalit ng katahimikan at kapakanan ng lahat.At ang isang milyong piso. Pero pinili ni Misty ang umalis nang walang paalam. Hindi alam ni Rafael na sa kanyang paglisan, dinadala na niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit paano niya sasabihin ang katotohanan kung sa kanyang pagbabalik ay malalaman niyang kasal na si Rafael sa babaeng matagal nitong hinintay? Kaya mas pinili ni Misty ang manahimik,upang sa ganun hindi makasira ng pamilya. Upang hindi siya matawag na kabit. Ngunit isang balita ang muling gigimbal sa mundo ni Misty-nasa bingit ng kamatayan si Rafael. Sa kabila ng lahat ng sakit at paglayo… Makakaya ba niyang tiisin ang lalaking minahal at hindi kailanman nakalimutan? O mas pipiliin niyang mananatiling tahimik?
101.1K viewsOngoingAdded to Library 23 Times as dumating
Read
+Library
BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION

BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION

Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, dugo, at takot, iisang pangalan lang ang sapat para manginig ang lahat—Azrael Damon Severino. Sa edad na dalawampu't anim, siya ang kinatatakutang mafia boss ng Night Vipers Organization. Kilala siya bilang isang lalaking walang awa, malamig, at handang pumatay nang walang pag-aalinlangan. Walang sinuman ang nangangahas na suwayin ang kanyang mga utos. Bukod sa pamumuno sa organisasyon, siya rin ang may-ari ng isang sikat na bar kung saan nagtatrabaho ang isang simpleng waitress na hindi niya kailanman inakalang gugulo sa kanyang tahimik at kontroladong mundo. Si Sienna Constantes, labingwalong taong gulang, ay isang ordinaryong dalagang lumaki sa kahirapan.. Ngunit nang mangailangan ng napakalaking halaga para sa operasyong maaaring makapagligtas sa buhay ng kanyang ina, naubos ang lahat ng pag-asa niya. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang desisyong habambuhay niyang pagsisisihan. She approaches Azrael with an offer... One night. One price. One sacrifice. To Azrael, it was supposed to be nothing more than a business transaction. A single night that would end with both of them walking away. Instead, it became the beginning of his obsession. Ang babaeng dapat ay isang simpleng kasunduan lamang ang naging pinakamalaking kahinaan niya. Hanggang sa dumating ang puntong ikinulong niya si Sienna. Isang gabi, nagawa ni Sienna na makatakas. Habang desperado siyang tinatakasan ang lalaking kinatatakutan niya, isang malagim na aksidente ang tuluyang nagpabago sa kanyang kapalaran. Pagmulat ng kanyang mga mata, wala na ang mga alaalang dapat sana'y magpapalaya sa kanya. Ang unang taong nakita niya ay si Azrael. "I'm your husband." Dahil wala nang maalala si Sienna, napilitan siyang paniwalaan ang lalaki. Ngunit hanggang kailan maitatago ni Azrael ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag unti-unting bumalik ang mga alaalang pilit niyang binura sa buhay ni Sienna?
10514 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as dumating
Read
+Library
SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

SHANTAL, The innocent turned into wild. (SPG)

Shantal, The innocent turned into wild.(spy)TeenagerForbidden LoveContemporaryDramaCampusFirst-Person POV
Shantal she's simple beautiful and innocent, namumuhay siyang masaya sa hacienda de monteverde at isa mga magulang niya ang kasalukoyan nag tatatrabaho sa loob ng malawak na hacienda ng mga monteverte at kilalang mayaman hindi lang dito sa pilipinas maging sa ibat ibang bansa at dito narin sila nanirahan simula ng mapadpad sila sa lugar at masasabi niyang masaya at maayos naman ang pamumuhay nila dito kasama ang mga magulang at mga kapatid niya. Sa idad niyang 18 never pa siya pumasok sa isang relasyos kasi gusto muna niya makapag tapos sa course niyang architecture kaya wala siyang time sa ibang bagay lalo na about sa lovelife o sexual b*b* siya pag dating sa bagay na yun kaya tinatawag siyang shantal the innocent. Pero pano kung isang araw dumating sa mundo niyang tahimik ang isang happy go lucky arogante pilyo bastos mata pobreng at higit sa lahat walang galang na c prince ace monteverde kaya niya kayang patutungohan ang binata at turuan ng tamang asal o mag papadala siya sa bugso ng damdamin at mauwi sa walang humpay na kaligayahan na silang dalawa lang ang nakakaalam kahit wala silang level ng binata, at tuloyan ng mag laho ang shantal na inosente. Si prince ace 25 years old happy go lucky walang derection ang buhay niya gasto dito gasto doon babae dito babae doon at ayaw din imanage ang sandamakmak na business ng mga magulang kaya sa inis at galit ng mga ito tinapon siya sa hacienda de monteverde ng matoto siya sa buhay hindi yung mag lustay lang ng kayaman nila. Ano kaya ang nag hihintay na kapalaran kay ace sa hacienda matatagpuan niya kaya dito ang ang magpapabago sa boa niyang pag katao at pananaw sa buhay..?
9.550.4K viewsOngoingAdded to Library 2.0K Times as dumating
Read
+Library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
1015.8K viewsCompletedAdded to Library 348 Times as dumating
Read
+Library
Seeking For His Heir

Seeking For His Heir

DimpleEver
Princess Symphony Tejana came from an average and simple family, she's being hate by her own mother dahil sya ang sinisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Kinailangan nyang suportahan ang sarili upang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pait ng kanyang kapalaran. Mabuti na lamang at palaging nasa tabi nya si Arc, ang kanyang bestfriend. Archie Damian Esquivel, a hot bachelor at his age, he's been very obidient to his parents. Ngunit dumating ang puntong nagsawa na syang sundin ang kagustuhan ng mga ito, dahil kahit na ang pagpili ng kanyang mapapangasawa ay pinanghimasukan na ng mga ito, kaya naman napilitan syang umalis sa poder nila at iwan ang karangyaan. He lived independently at naging masaya sya kasama ang matalik na kaibigan. Ngunit tila napasukan ng masamang hangin ang utak ng kanyang kaibigan. She wants to have a child, but don't want to have a relationship with any man. At sya pa talaga ang pinapahanap nito ng lalaking pwedeng makasama hindi lamang isang gabi, kundi hanggang sa makabuo ito ng sanggol sa sinapupunan nito. Will he allow the craziness she had in her mind? Papabayaan nya bang basta na lamang anakan ng kung sino ang babaeng pinahahalagahan nya na higit pa sa sariling kapatid? Dahil sa pag-aalala sa kabaliwan na naisip ni Pris ay nawalan sya ng choice kundi i-offer ang sarili sa dalaga. It would be better kung sa kanya manggagaling ang semilyang itatanim dito. Magtatagumpay ba ang kanilang gagawin para sa sariling kapakanan ni Pris? Kung magkakaanak nga sila, Is he willing to be treated only as co parent? No strings attached. Papayag ba sya sa gusto nito na angkinin ang anak na sarili nya lamang, mula sa apelyido hanggang sa pagbuhay dito? As if he never contributed anything to their child?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 85 Times as dumating
Read
+Library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
11.6K viewsCompletedAdded to Library 290 Times as dumating
Read
+Library
My husband in- law

My husband in- law

Napilitang magpakasal Kay Marie si Ariel dahil sa gusto Kasi siyang patayin Ng Asawa Ng kanyang ex-girlfriend. Hindi Kasi akalain ni Ariel na may Asawa Ang kanyang ex-girlfriend. At Ngayon ay hinahauting tuloy siya ng Asawa nito. Kaya tuloy Wala siyang  nagawa kundi Ang pakasalan si Marie. Palagi pa Rin Kasi siyang  ginugulo Ng Ex-girlfriend nito at Ng Asawa nito.    Pero habang tumatagal ay nagugustuhan na Pala ni Ariel si Marie. At nagseselos ito sa Senior Engineer ni Marie na kasamahan niya sa trabaho. Naiinis si Ariel dahil palaging magkasama Ang dalawa. Kaya inilipat niya Ng destino Ang Senior Engineer at Ang mga kaibigan nito sa malayo. Akala niya ay mailalayo na niya si Marie sa Senior Engineer. Pero Nang kinulang Ng tao ay pinadala si Marie doon ng Chairman para samahan Ang mga kaibigan.    Makalipas Ang isang buwan matapos ni Ariel ang project niya. Kaya sumunod Naman siya sa Lugar kong nasaan si Marie at Ang mga kaibigan nito.   Doon ay palagi niyang sinusundan si Marie. At Kung Makita niya na magkasama Ang Senior at si Marie ay naiinis ito. Kaya kapag dumating si Marie sa bahay ay ikinukulong niya ito sa kuwarto.  Lalo itong nagalit Ng malaman niya na may gusto Pala Ang Senior Engineer niya Kay Marie. Kaya pagdating ni Marie sa bahay ay Hindi na niya ito pinapalabas Ng bahay. Pero si Marie ay hindi alam Ang nararamdaman ni Ariel. Akala niya ginagawa iyon ni Ariel dahil gusto niyang magalit siya rito at siya na Ang kusang lumayo Kay Ariel. Handa na Sana niyang iwan si Ariel pero nang aalis na siya ay hinarang siya ni Ariel. At sinabinh Hindi patapos Ang trabaho niya at Hindi pa siya pwedeng umalis. Kaya walang nagawa si Marie Kundi ang tapusin Ang kontrata niya sa Kompanya.    
1.7K viewsOngoingAdded to Library 57 Times as dumating
Read
+Library
A man that I loved or A man that he loved me

A man that I loved or A man that he loved me

Emma
Una pa lamang ay magustuhan na ni Helomina Ang binatang si Miguel na Ngayon lang niya nakilala. Ngunit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niya Ang binata. Dahil sa takot itong sumubok sa isang relasyon. Natatakot Kasi itong masaktan. Kaya minabuti na lamang niya itong irito sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit nalaman niya na may gusto Rin Pala Ang binata sa dalagang si Helomina. At inamin niya ito na siya Ang gusto niya at Hindi Ang kaibigan. Sa una ay nag-alinlangan Ang dalaga sa pagmamahal Ng binata ngunit hindi naglaun ay inamin din Ng dalaga na gusto niya Ang binata. Nagtagal Ang relasyon nila kahit malayo Ang binata sa dalaga. Pero dahil sa malayo at Hindi palaging nagkikita Ang dalawa ay nag-alinlangan Ang binata sa pagmamahal Ng dalaga. Kahit alam Naman niya Ang tunay na nararamdaman Ng dalaga para sa kanya. Kahit pa malayo sila sa isa't Isa naging tapat Naman Ang dalaga sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero Hindi naglaon kahit mahal Ng binata Ang dalaga ay Hindi siya naging tapat dito. Dahil na rin sa hindi ito kapilinging Ang dalaga. Pero patuloy Rin ang pagmamahal Ng dalaga sa binata kahit na Kung minsan ay Hindi na ito nagpaparamdam sa dalaga. Kalaonan ay Ang binata na mismo Ang bumitiw sa relasyon Ng dalawa. Kahit masakit sa dalaga Ang katotohan na iniwan siya Ng kanyang minahal dahil Hindi niya ito kayang panindigan at ipaglaban. Nagdusa Ang dalaga dahil doon. Pero sa Oras na iyon ay may dumating sa kanyang buhay na isang lalaking na handa siya mahalin at ipaglaban. Kaya siyang panindingan at pasayahin sa abot Ng kanyang makakaya. Hindi Naman nabigo ang lalaki. Pero paano Kung may gustong bumalik sa buhay niya nagustong ipaglaban Ang pagmamahal niya pero huli na Ang lahat.
1.3K viewsOngoingAdded to Library 34 Times as dumating
Read
+Library
PREV
1
...
353637383940
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status