Seductress Unforgotten
Lumapit ang engaged couple na kanina pa niyang inaasikaso, sabay tanong ng bride-to-be, "Miss Apple, ano po kayang maganda? Yung classic elegance o fairy tale theme?"
Mabilis na ngumiti si Apple, pilit tinatago ang tensyong nararamdaman. "Depende po sa gusto niyo. Kung mahilig po kayo sa dreamy and romantic vibe, bagay sa inyo ang fairy tale theme—maraming lights, grand staircase, at eleganteng gown."
Napangiti ang bride. "Ang ganda nga po! Ikaw, hon, anong gusto mo?"
Napakamot sa batok ang groom. "Eh, ikaw naman ang mas excited sa wedding natin. Kahit ano, basta happy ka."
ตอนยอดนิยม