Love, Hate And Marriage
"Patapusin mo muna ako magsalita. Naiinis din ako sayo dahil kahit gaano pa yata kalaking effort ang gawin ko wala lang yun sayo, naiinis ako na ikaw iniisip ko pero alam kong ni isang minuto hindi ako pumasok diyan sa isip mo, nakakainis ka kasi ang daya-daya mo Sanya, ang daya-daya mo."
Hindi ko napansin na napaiyak ba ako sa mga nasabi ko. Wala na akong pakialam kung para na akong gago ngayon habang yakap ko siya.
"Ang daya-daya mo, ganyan ka ba talaga kasama? Wala kang pakialam sa feelings ng iba kahit nakakasakit ka na?"
"Adam."
Hinawakan ko yung magkabilang balikat niya. "Alam ko hindi tama na sabihin ko ito ngayon pero Sanya, I'm falling for you."
Hot Chapters