Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
600 viewsOngoing
Read
Add to library
Celeste: Of Beauty and Secrets

Celeste: Of Beauty and Secrets

Bimaia
Isang misteryosong lagusan ang bigla na lamang gumimbal sa tahimik na pamumuhay ng mga mamamayan sa mundo ng Albion. Nababalutan ito ng itim na mahika na nagdudulot ng matinding panganib. Dahil dito ay agad na tinipon ni Haring Qesien ang pinakamalalakas na mandirigma sa kanilang mundo. Misyon nila ang masugpo ang kadiliman, at tuluyang maisara ang lagusan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napabilang si Trese sa grupong ito. Isa lamang siya sa libo-libong mga alipin na pinagkaitan ng lakas sa mundo na punong-puno ng hiwaga at mahika. Ganoon pa man ay mayroon siyang madilim na sikretong pilit na itinatago sa iba. Ginawa ni Trese ang lahat, makasama lamang ang lalaking itinitibok ng kaniyang damdamin. Ngunit handa ba niyang isakripisyo ang mga mabibigat na tungkulin para lamang sa inaasam na kaligayahan? O babalik siya sa tunay niyang katauhan?
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10688 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Real Husband

My Real Husband

Nang madiskbure ni Shaun na mayroong kinalaman ang matalik na kaibigan na si Cianne sa pagkamatay ng kan’yang kakambal na si Matt ay kinidnap niya ito upang parusahan. Nakatakas si Cianne ngunit mabilis niya itong nahanap, ngunit ikinagulat niya nang madiskubreng mayroon itong kambal na anak. Nagbunga pala ang gabing pinagsaluhan nila, na inakala nito’ng siya ay si Matt na matagal na nitong hinahangaan. Binahay niya ang mag-iina, kahit pa taliwas iyon sa kagustuhan ni Cianne. Unti-unti ay nahulog ang loob niya para sa babae. Handa niya ba’ng panindigan ang tibok ng puso kahit pa ito ang rason nang malagim na sinapit ng kan’yang kakambal?
Romance
1017.2K viewsCompleted
Read
Add to library
That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

That Gigolo Turned Out to be a Billionaire

Plano lang ni Helga Louisse Palma na ipamukha sa ex niya na okay na siya — kaya nag-hire siya ng escort para plus one sa party. Simple, di ba? Pero hindi niya inasahan na ang “escort o gigolo” ay si Damian Caius Avelino, isang bilyonaryong CEO na hindi lang gwapo, kundi sanay din sa drama at sinabayan pa ang plano niya. Bigla rin silang naging trending online bilang new couple, at kahit ang pamilya ni Damian kumbinsido na sila nga. Wala na si Helga choice kundi sumabay sa palabas at maging fiancée ni Damian. Ang problema? Habang tumatagal ang palabas, hindi na acting ang kilig na nararamdaman ni Helga. Pero handa ba siyang magtiwala ulit, o isa na namang heartbreak ang naghihintay sa kanya?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding the Cold Billionaire's Twins

Hiding the Cold Billionaire's Twins

Matapos ng kasal ng lalaking minsan na niyang minahal at ng kanyang matalik na kaibigan, nilulong ni Chandria ang sarili sa alak para pansamantalang maalis ang lungkot at sakit na kanyang nararamamdan. At nang magising siya ay katabi na niya ang lalaking hindi niya lubos maisip na makakasama niya, si Pantaleon Farris, ang pinsan ng minamahal niyang kinasal kahapon. Sa takot na maratnan siya nito, agad na lumisan si Chandria sa pad ng lalaking 'yon. Ngunit sa hindi inaasahan, nagbunga ang mainit na gabing 'yon na naging dahilan upang umalis siya ng bansa kung saan niya binuhay ang kambal niyang anak. Ngunit papano na lang kung sa pagbalik nila ng Pinas para sa napakaimportanteng trabaho ay hindi inaasahang magkatagpo ang kanilang landas? Can Chandria still hide the cold billionaire's twins?
Romance
10154.4K viewsCompleted
Show Reviews (31)
Read
Add to library
Zen Yang
sobrang hook talaga ako sa Story ni Leon, tagal kong inabangan tong kwento mo and its all worth it...️🫰🏻 after Leon abangan ko naman mggng kwento ng pinaka demonyo sa grupo nila,na iintriga talaga ako s maggng kwento n Lucifer, tingin ko ang kulit ng mggng kwento nia pero mukhang mapanakit ng bongga
yinyang blackwood
reading Leon and Ria's love story buti na lang di sad ang love life ni Leon dahil may Ria na sya at last! thank you Ms Anji di sad ang love life ni Leon I like Leon's attitude lalo na pag super in love na sya sa babae ay!!! shet! kinikilig ako ...️...️
Read All Reviews
Miss Misunderstood

Miss Misunderstood

Wysteriashin
Bata pa lamang si Elyana, pangarap na niya ang magkaroon ng isang malaking pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng walang kapatid. Kaya naman nang makasal siya kay Finn na isang bilyonaryong taga-England, sinubukan nila ang lahat ng paraan para matupad iyon kahit ilang beses na silang nabigo. Sa limang taon nilang pagsasama, unti-unting nagbago si Finn na kapansin-pansin sa mga mata ni Elyana. Hanggang isang araw pinasundan niya ito sa isang tao at napag-alam na may kalaguyo pala ito. Ang masama pa, nahuli niya siya na maykas*ping sa kama sa mismong rest house na regalo pa ni Finn noong wedding anniversary nila. Nang muli silang nagkaharap, naglakas-loob si Elyana na itanong kung ano ang dahilan, bakit siya nagtaksil at ang sagot ni Finn, iyon ay dahil hindi raw kaya ni Elyana na mabigyan siya ng anak. Napakasakit para sa kaniya na marinig ang mga iyon. Nag-file siya ng diborsyo at nang maaprubahan, nagpasyang umuwi ng Pilipinas upang kalimutan ang lahat. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Felicity, unti-unti niyang tinanggap na hindi na kailanman matutupad ang panngarap na iyon, ngunit isang araw, babalik si Finn dala ang katotohanan at ayusin ang nasira nilang buhay. Nararapat ba para kay Finn ang kapatawarang kan'yang hangad? Mapapatawad pa kaya ni Elyana ito matapos nitong wasakin ang kan'yang puso, pagkatao na halos ikabaliw niya noon at ang tiwala na walang pagdadalawang-isip na inalay rito?
Romance
9.85.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status