Naglalagablab na Secrets and Revenge
“Balitaan mo ako agad kapag pumirma na siya. I want to see the blood drain from his accounts.”
Tinalikuran ko ang mesa at nagsimulang maglakad palabas. Mabilis na sumunod si Darken sa akin.
Pagpasok namin sa executive elevator, kami na lang dalawa. Pagsara ng pinto, humarap ako sa kaniya. Hinihingal ako nang bahagya, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa adrenaline na dumadaloy sa katawan ko.
“Ninety million,” mahinang usal ni Darken, isang pilyong ngiti ang naglalaro sa mga labi niya. “You’re ruthless, Angel.”