Desired by the Billionaire
Inaakusahan nito akong mukhang pera, pero sino ba sa amin ang takot na takot maagawan?
Tumikhim ako. "You know what? Parang ikaw nga ang may mas motibo eh," lakas-loob na sabi ko. "Paano kasi, ikaw ang mas takot na takot maagawan ng kayamanan. Uulitin ko, hindi ako interesado sa yaman ng daddy mo o ng buong angkan n'yo, kasi nga hindi ko naman talaga rin siya gustong maging asawa at lalong ayaw kong magkaroon ng anak-anakan na kagaya mo. Gusto mo mamaya kausapin natin ang daddy para sabihin ang mga 'hinaing' mo, then sasabihin ko na rin sa kaniya na ipa-annul na ang kasal namin para mapanatag na ang loob mo."