Naglalagablab na Secrets and Revenge
Isang malaking brilyante na kumikinang nang husto sa ilalim ng ilaw, napapalibutan ng maliliit pang dyamante na naghuhugis na parang maliliit na pakpak.
“Lilinisin ko ang pangalan ko para sa’yo at para sa magiging anak natin,” basag na boses ni Black, ang kaniyang madilim na mga mata ay puno ng luha ng sinseridad. “I will drop my guns. I will leave the shadows. Susundan kita kahit saang liwanag mo gustong pumunta, basta hayaan mo lang akong hawakan ang kamay mo.”