Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10378 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Euphoria: Sugar Baby

Euphoria: Sugar Baby

May mga islang hindi mo mahahanap sa mapa. At may mga gabi na hindi kailanman pwedeng ikuwento. Siya—isang dalagang nangangarap ng katahimikan. Siya—isang lalaking matagal nang ginugupo ng mga alaala. Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halik na hindi na mabubura. Akala nilang pareho, panandalian lang ang lahat. Hanggang sa lumitaw ang katotohanang kay tagal nang itinatago—at may isang pangalan na hindi dapat banggitin sa isla. Sa Euphoria, lahat may presyo. At ang ilang halik… may kapalit na buhay. This story involves themes of luxury companionship, sex work, and high-profile desire—served with a shot of fiction and a twist of imagination. Rated R18+ All characters, events, and situations in this story are purely fictional and stem from the author’s imagination. Any similarities to real people, stories, or existing works—published or unpublished—are entirely coincidental and unintentional. This story is a personal creation meant to explore unique emotional and psychological journeys. It is not intended to imitate, copy, or reflect the narrative or structure of any other existing work. Please respect the author’s creative freedom, and enjoy this story for what it is: a work of fiction born from heart, imagination, and curiosity.
Romance
10280 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nurse Me, Baby

Nurse Me, Baby

Walang kinatatakutan ang bilyonaryong si Rainne Leon Marquez — hindi ang sakit, hindi ang kasalanan. Pero nang matikman niya si Ari—the billionaire's fuck buddy, doon siya tuluyang nalulong — sa katawan, sa halik, sa init na mas matindi pa sa kahit anong droga. Matagal nang nilulunod ng platinum-selling singer na si Rainne ang sarili sa mga gamot. His body is a trap of wounds, his soul barely holding on. Unti-unti siyang nauubos — pero doon lang siya nakakaramdam ng buo. Hanggang sa isang matinding aksidente ang tuluyang bumasag sa katawan niya... at ginising siya sa mas mapanganib pang tukso: Ari Valencia, the cold, devastatingly beautiful private nurse assigned to save her... or ruin her softly, like a secret sin. Dahil sa pagitan ng isang pasyente at nurse — bawat halik ay kasalanan. Bawat gabi ay bawal na kalayaan. At kung hindi sila titigil, init ng laman ang maaaring magpabagsak sa pangalan nilang dalawa.
Romance
10261 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Substitute Bride: Marrying Dark De'Longhi

Lumaking magkahiwalay si Dane at ang kakambal niyang si Dianne nang magkahiwalay ang mga magulang nila. Siya ay lumaki sa hirap habang ang kakambal ay lumaki sa marangyang buhay. Wala ng ibang hiling si Dane kundi ang mapayapa at tahimik lang na buhay, pero isang araw, may dumating na isang lalaki, at ibinalita nito sa kanya ang tunay niyang pagkatao kasama na dun ang pagkawala ng kakambal niyang kapatid. Then a man wearing a black mask came, and his name is Dark. Tama ang sinabi ni Calil na aakalainin nito na siya ang babaeng hinahanap nito! Dahil naiipit na siya sa sitwasyon ay pumayag siyang sumama rito at para mabigyan ng hustisya ang pagamatay ng kakambal niya. Pero hanggang kailan niya kayang magpanggap? Magagawa ba niyang pigilan ang pusong umibig kay Dark? Gayong kaya siyang ipagkalulu ng kanyang sarili sa bawat halik at yakap nito. O ang tamang tanong, magagawa ba niyang paibigin ang isang Dark De'Longhi? "This isn't romance. You're not a damsel in distress and I'm not the handsome prince who comes to save you."
Romance
10313 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
306 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
10288 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hostile Takeover (of My Heart)

Hostile Takeover (of My Heart)

Hindi natatalo si Joaquin Hernandez — hindi sa negosyo, at lalong hindi sa isang babaeng sumulpot sa boardroom na naka-heels at punung-puno ng attitude. Si Erena Maden, sa kabilang banda, ay hindi basta-basta babae. Siya ang tagapagmana ng Maden Industries, isang legacy empire na itinatag ng pamilya niya bago pa man matuto si Damian magbasa ng stock reports. Palaban, matalino, at may bibig na parang lason kung makipag-debate. Nagsimula ang lahat sa corporate war — may merger na nakataya, media scandals, at boardroom betrayal — mas lalo rin silang hinihila sa isa’t isa. Ang problema? Hindi nila alam kung alin ang una: ang halik o ang suntok. Sa larong ito ng pag-ibig at kapangyarihan, sino ang unang magpapatalo? Dahil minsan, ang pinaka-hostile na takeover… ay 'yung hindi mo kayang pigilan — lalo na kung puso mo ang pinapasok.
Romance
264 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10300 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
152 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
171 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status