Filtern nach
Aktualisierungsstatus
AlleLaufendAbgeschlossen
Sortieren nach
AlleBeliebtEmpfehlungBewertungenAktualisiert
Fake Wife of the CEO

Fake Wife of the CEO

Xai Fria Dark RomanceDramaCEOHidden IdentityIndependentContract MarriageSecret Love
Tumakas si Xie Xiah Xein sa kamay ng pekeng asawa dahil sa pag aakalang ikakasal na ito sa iba, at lingid sa kanyang kaalaman na buntis pala siya sa anak nito. Pinasuk niya kasi ang pinaka nakakatakot na trabaho para may pangpagamot sa matandang nag-aruga sa kanya. Walong taon palang kasi siya ng mamayapa ang mga magulang niya, kaya naman ang isang batang ulila tulad nya ay nabuhay sa pag dampot ng mga basura para may makain ang sarili, lahat kasi ng iniwan ng mahirap niyang mga magulang ay kinuha ng tita at tito niya, ang bahay at sakahan. Sa maliit na bayan ng bataraza habang nag pupulot ng basura ay nakita siya ng isang matanda naawa ito sa kanya kaya isinama siya sa maynila, doon siya pinag-aral, ngunit hindi nag tagal ay nagkaroon ng malubhang sakit ang matandang kumopkop sa kanya, na naging dahilan ng pag tigil niya sa pag aaral at pag hanap ng trabaho. Ang hangarin niya lang ay gumaling ang matandang babae dahil ito nalang ang kaniyang nag iisang pamilya. Lingid sa kanyang kaalaman na isa pala siyang hiridira, nag iisang anak ng mag asawang bilyonaryo sa lungsod ng maynila na matagal ng nawawala dahil sa nangyaring kidnap noong anim na taon pa lamang siya.
36 AufrufeLaufendZur Bibliothek 1 Mal als hangarin hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
I'm The Mistress

I'm The Mistress

MsJayellaDark RomanceFirst-Person POVSweet LoveRuthlessMafiaArrogantBetrayalInstant BillionaireRevenge
Tinanggap ni Amara nang buong puso ang pagmamahal ni Alexander Vance, ngunit sa huli ay nalaman niyang siya ay itinuring lamang na panakip-butas. Iniwan siya ng lalaki upang pakasalan si Isabella, ang babaeng matagal na niyang hinahangad. Sa matinding sakit at pagdurog ng pagkatao, umalis si Amara ng bansa upang magbago at maghanda. Makalipas ang isang taon, bumalik siya hindi bilang marupok na babae, kundi bilang isang matagumpay, maganda, at matalinong babae na may iisang layunin: bawiin ang lalaking nanakit sa kanya. Sa araw ng kasal nina Alexander at Isabella, muling nagpakilala si Amara. Dahan-dahan niyang ipinakita ang kanyang bagong anyo at tagumpay, habang ginagamit ang kanyang pag-unawa at lambing upang akitin muli ang puso ng lalaki. Sa kabila ng pag-aasawa nito, naramdaman ni Alexander ang malaking pagkukulang sa kanyang pagsasama—si Isabella ay laging humihingi ng luho at atensyon, habang si Amara ang nagbibigay ng tunay na pakikinig, kapayapaan, at pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Habang lumalalim ang kanilang mga usapan, lalong nahuhulog si Alexander sa bitag na inihanda ni Amara. Ipinaparamdam niya rito na siya lamang ang nakauunawa sa kanyang mga pasanin at pangarap. Ngunit sa likod ng matatamis na salita at yakap ay nakatago ang matinding hangarin ng paghihiganti. Ang dating itinuring na walang halaga ay ngayon ang nagiging kahinaan ng lalaki. Si Amara ay handang maging kanyang pahinga, ngunit siya rin ang magiging dahilan ng kanyang pagkagumon—upang iparamdam kay Alexander ang parehong sakit na kanyang naranasan noon, ngunit unti unting nahulog si amara sa gitna ng kaniyang plano.
10111 AufrufeLaufendZur Bibliothek 2 Mal als hangarin hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
HIS UNMITIGATED DISASTER

HIS UNMITIGATED DISASTER

Red Solace
Walang matandaan si Mark sa kasunduang nagdala sa kanya sa cruising trip na kasama si Marlyn at Wanda, magkapatid na nakilala lamang niya dahil sa hindi inaasahang pagkakatuklas niya sa kataksilan ng kasintahang si Cleo na dapat sana ay aalukin na niya ng kasal. Sila ang mga berdugong dapat ay magbibigay katuparan sa hangarin niyang mamatay nang gabing iyon--as it turned out, the siblings were tour guides specializing in executing euthanasia to travelers with a death wish. But fate had better plan in store for them. Sinalubong sila ng malakas na bagyo sa gitna ng paglalayag. They were left with nothing but the company of each other and a dead engine that could get them nowhere. Napadpad sila sa isang isla kung saan masusukat ang haba ng pisi ni Mark. Masusukat maging ang kakayahan niyang lumaban sa tukso. Lalo at habang tumatagal sila sa isla, nagkakaroon siya ng hindi maipaliwanag na damdamin para sa dalawa. Umibig siya ng sabay sa dalawang babae na hindi niya puwedeng angkinin pareho. Muli ay natagpuan niya ang sarili sa isang sitwasyon na higit pang kumplikado sa delubyong nagdala sa kanila sa islang iyon. Ano ang naghihintay na kapalaran sa kanilang tatlo sa isla? Sino sa dalawang babae ang higit niyang kailangan at dapat niyang piliin? Kung isip ang piiralin niya, wala siyang pipiliin sa magkapatid para pare-pareho ang laban. Walang masasaktan. Walang magdidiwang. Ngunit dumating siya sa puntong kailangan pa rin naman niyang mamili. Kung sino kina Marlyn at Wanda ang magwawagi sa puso niya, tadhana na ang magtatakda.
101.7K AufrufeLaufendZur Bibliothek 41 Mal als hangarin hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]

SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]

Lanny RodriguezDramaAge GapCEODominantBillionaire
Sa edad na dalawampu't tatlo, wala nang ibang hangarin si Seraphina Monteverde kundi mailigtas ang nag-iisa niyang pamilya, ang kanyang walong taong gulang na kapatid na si Liam, na lumalaban sa leukemia. Ngunit tila hindi sapat ang lahat ng sakripisyo niya. Matapos masunog ang kanilang munting tahanan, nawalan sila ng tirahan, ng ipon, at ng pag-asang makabangon. Habang lumalala ang kondisyon ng kanyang kapatid at patuloy na dumarami ang gastusin sa ospital, unti-unting nauubos ang lahat ng pinto na maaari niyang katukin. Hanggang sa dumating ang gabing tuluyan siyang itinulak ng desperasyon. Wala nang natitirang pagpipilian. Kumapit siya sa patalim. Ibinenta niya ang sarili... kahit isang gabi lamang... kapalit ng perang makapagliligtas sa buhay ng kanyang kapatid. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking bibili sa kanya ay ang pinakakinatatakutan at pinakamakapangyarihang billionaire sa bansa. Si Damian Alistair Del Rosario. Isang 42-anyos na negosyanteng bilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Taglay niya ang lahat. Pera, kapangyarihan, at impluwensya, maliban sa isang bagay. Pamilya. Hindi siya nagmamahal. Hindi siya nagtitiwala. At hindi niya kailanman binalak na mag-asawa. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, matapos ang gabing iyon, hindi niya nagawang pakawalan si Seraphina. Binili niya ang buong buhay nito. Mula sa bahay, sa trabaho, hanggang sa bawat desisyong gagawin ni Seraphina... lahat ay nasa ilalim ng kanyang pangalan. Sa mundong ang lahat ay may presyo... May halaga rin ba ang tunay na pag-ibig? O mananatili na lamang siyang... Sold... and Owned by the Billionaire.
210 AufrufeLaufendZur Bibliothek 6 Mal als hangarin hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
Running Away From the Billionaire's Wrath: My Baby Daddy is

Running Away From the Billionaire's Wrath: My Baby Daddy is

Mr. JRThird-Person POVTragedyCEOHidden IdentityBillionaireHate to LoveInstant BillionaireRunaway with a Baby
Matapos ang ilang taong pagkakahiwalay, muling nagkrus ang landas nina Mariposa, Madrigal at ng dati niyang kasintahang si Gilbert, Saison sa isang pulong ng kompanya. Si Gilbert rin ang ama ng kanyang anak. Ang tanging nais ni Mariposa ay makaiwas sa kanya. Natatakot siyang maagaw ang kanyang anak, at higit sa lahat, natatakot siyang muling mawalan ng lahat. Naalala pa niya ang mga salitang minsang binitiwan nito, na laro lamang ang lahat para sa kanya. Kaya naman pinili niyang panatilihin ang isang mahigpit na propesyonal na relasyon bilang empleyado at nakatataas sa trabaho. Habang maraming babae ang palaging pumapaligid kay Gilbert, wala ni isa man sa mga ito ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Noong una silang muling magkita, inakala ni Gilbert na siya ang iniwan ni Mariposa, at agad itong nag-asawa at nagkaroon ng anak. Dahil doon, nagpasya siyang paghigantihan ito. Nais niyang makita itong nasasaktan, nagsisisi, at wasak ang puso. Ngunit habang sinasamantala niya ang kahinaan at mga pagsubok na kinakaharap nito, hindi niya napigilang hangarin na manatili ito sa kanyang tabi, alagaan ang kanilang anak, at bumuo ng isang tahanan kasama siya. At nang malaman niya ang buong katotohanan, saka niya napagtanto na ang taong pinakamatindi niyang nasaktan sa kanyang paghihiganti ay si Mariposa mismo. "Ikaw ang nagsabing dapat tayong maglayo sa isa't isa," malamig na sabi ni Mariposa. Ngunit marahang itinaas ni Gilbert ang kanyang baba at ngumiti. "Maglayo?" bulong niya. "Sige. Pero ang distansyang iyon ay malabong mangyari.”
1055 AufrufeLaufendZur Bibliothek 1 Mal als hangarin hinzugefügt
Lesen
+Bibliothek
ZURÜCK
12
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status