A Dangerous Cure
“Kapag hindi po talaga kaya ng powers ni Papa God, gusto ko po sabihin sa inyo na mahal na mahal na mahal ko po kayo. To the moon and back and back and back. Hehe. Kapag din po ‘di ko natupad promise ko noon na maging ballerina, h’wag ka po magagalit, ah. Kahit hindi ako magiging ballerina, daddy, love niyo pa rin ako, hindi ba?
“Ano pa ba sasabihin ko? Hmm. Ah! Take your medicine po. Umiinit ulo ni Mumma kapag nakakalimutan niyo, eh. H’wag ka pong mag-alala sa akin. Kung ma-miss mo po ako, I am the brightest star in the sky kapag gabi. Nakakasilaw! Hehe.
“Iyon lang, daddy. Mag-ingat ka po palagi at ingatan mo po si Mumma. I love you and I miss you, daddy. Goodnight. Always, Your Hopie.”
ตอนยอดนิยม