The Obsession Of A Dominant Billionaire
Sa kabilang silid, ando'n si Henrik at siguro sa mga sandaling ito, mahimbing na rin itong natutulog.
Napaupo siya sa kama at malayang pinagmasdan si Aerush. Hindi niya mapigilang masaktan para sa bata. Sa murang edad nito, naranasan nito ang umiyak sa sobrang takot. Mabuti at malakas ang anak niya, kahit ilang gabi rin ito nagigising na umiiyak sa bangungot na hinahabol daw ito ng monster. Isang monster lang naman ang kilala niyang tinatawag nito, ang demonyitang si Kate. Kaya mas lalong nadadagdagan ang galit niya kay Zyd. Sa tuwing nagigising ito sa takot na takot, mas lalong bumibigat ang kaniyang galit. Kung hindi pa sila umuwi ng Pinas, baka tuluyang na trauma ang kaniyang anak.
인기 회차