Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Womanizer Series 03: Wyatt Rodriguez

Womanizer Series 03: Wyatt Rodriguez

Blazingfire
Wyatt Rodriguez is one of the womanizer in town. Walang araw na wala itong babae. Sa tuwing nagba-bar ito ay palagi itong may naikakama sa iba’t-ibang hotel. Halos suki na nga ito ng mga hotel at kilala na ito ng mga staff. He own one of a hotel, pero hindi siya doon nagche-check in. He still remains as a respective boss in his employees. Madison Rewis, ang kanyang kababata na kapitbahay niya. Isa itong medyo boyish kung gumalaw at amazona pagdating kay Wyatt. Dahil sa sabay na lumaki ang dalawa ay alam na nito ang ugali ng isa’t-isa. Ang hindi alam ni Wyatt ay matagal na pa lang may gusto sa kanya ang dalaga kahit pa alam nitong womanizer siya. Tanggap nito kung ano at sino man ang binata. They are friends dahil sa magkakumare ang mga magulang nila at minsan dumadalaw ito sa bahay nila dahil close ang dalaga at ang mommy nito. Pero kahit pa magkaibigan sila ay para pa din silang aso’t-pusa dahil palaging ini-interupt ni Madison ang binata kapag may kasama itong babae dahilan para mainis sa kanya ito. Ginagawa nito ang lahat para walang makuhang babae ang binata. Minsan nagtatagumpay ito, minsan naman hindi. Isang araw dahil sa gustong-gusto ng mommy ni Wyatt ang dalaga ay napagdesisyonan nito na ipakasal ang dalawa. Agree naman ang mga magulang ng dalaga dahil alam nilang magiging mabait na asawa ang binata dito. Magiging masaya kaya ang buhay mag-asawa ng dalawang tao na parang aso’t-pusa kung magbangayan araw-araw. Madison loves him very much that she will do everything just to make Wyatt love her back. But can she really make really make Wyatt Rodriguez, a womanizer, into a loyal husband? Hanggang saan ang makakaya niya sa pagiging babaero nito?
3.0K viewsOngoingAdded to Library 66 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Uncle Robert

Uncle Robert

Jeremy Navarro
Ako si John. Dalawampu't dalawang taong gulang. Kasalukuyan akong nagtratrabaho bilang isang Nurse. Isang taon pa lamang akong naninirahan dito mula nang kunin ako ni Uncle Robert. Siya ang nagpa-aral sa akin mula Highschool hanggang Kolehiyo ko kaya malaki ang utang na loob ko sa aking Uncle. Ang mga magulang ko kasi ay isang hamak na magsasaka lamang sa aming probinsya. Kaya naman ang kapatid ng Papa ko na si Uncle Robert ang nag-alok na pag-aralin ako dahil nakakaluwag naman ito sa buhay. Isang Pulis si Uncle dito sa Maynila. Mayroon siyang asawa na si Auntie Mabeth at mayroon na rin silang anak. Aaminin ko, isa akong bakla. At alam iyon ni Uncle dahil noong bata palang ay nakitaan na nila ako ng pagiging mahinhin. Hindi naging handlang iyon kay Uncle para hindi ako pagtapusin ng pag-aaral. Nasa edad trenta'y singko na si Uncle Robert. Pero makikita mo parin ang kakisigan nito kahit na nasa ganoong edad na siya. Matipuno si Uncle. Ang baitang nito ay nasa 5'10" kumpara sa akin na nasa 5'5" lamang. Malaki ang katawan nito dahil kailangan niya iyon dahil sa uri ng kanyang propesyon. Aaminin kong may pagtingin ako sa aking Uncle. Alam kong mali ito, pero hindi ko lang talaga maiwasan na pagnasaan siya sa tuwing makikita itong hubad kapag inaayos ang kanyang sasakyan. O, kapag nakasuot ito ng kanyang uniporme at bumabakat ang batutang tinatago nito. Pero nitong mga nakaraang araw, nag-iba lalo ang tingin ko sa kanya nang umalis si Auntie Mabeth para mangibang-bansa. Mas lalo akong nagkaroon ng pagnanasa sa Uncle ko. Mas naging malawak at mapusok ang imahinasyong binubuo ko sa tuwing makikita ko si Uncle. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagnanasa ko sa aking Tiyuhin.
4.9K viewsOngoingAdded to Library 176 Times as hugot kay crush
Read
+Library
The Billionaire's Baby Maker Maid

The Billionaire's Baby Maker Maid

Si Annalise Florence Dela Cruz ay isang maid sa mansyon ng Montefalco. Hirap siya sa buhay at lalo na ngayon na kailangan ng nanay niya ng operasyon at araw-araw na hospital bills. Wala na siyang ibang malapitan kaya lumapit siya sa amo niyang si Fernando Hymitch Montefalco para umutang. Pero imbes na pautang, ibang klase ng alok ang ibinigay sa kanya ni Fernando. Kailangan niya ng anak at tagapagmana para makuha ang mana niya sa pamilya. Kapalit noon, ibibigay niya ang pera para sa operasyon at gamutan ng nanay ni Annalise. Alok niya rin na si Annalise ang magiging ina ng anak niya. Pumayag si Annalise. Hindi lang dahil sa pera, kundi dahil matagal na rin niyang crush ang amo niya. Pero may kondisyon si Fernando, pagkatapos ng tatlong taon mula nang ipanganak ang bata, kailangan umalis ni Annalise at iiwan ang anak. Masakit para kay Annalise, pero tinanggap niya para sa nanay niya. Sa pagsasama nila, unti-unting nagbago si Fernando. Hindi na siya ganoon kalamig. Mas naging maalaga siya kay Annalise. Habang tumatagal, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ni Annalise para sa kanya. Pero hindi lahat masaya sa set up nila. May mga taong gustong sirain sila, lalo na ang pamilya ni Fernando na hindi tanggap si Annalise. Habang papalapit ang takdang panahon na kailangan niyang umalis, mas lalo siyang nahihirapan. Kasi hindi lang pera ang dahilan kung bakit siya pumayag, may puso na siyang naiwang nakatali sa sitwasyon. Sa huli, kaya ba niyang iwan ang anak at si Fernando? O pipiliin ni Fernando na panindigan siya kahit labag sa gusto ng pamilya niya?
77 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife

Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife

Isang taon nang nakakulong si Elowen sa isang impyernong kasal kay River, ang lalaking lihim niyang minahal sa loob ng walong taon. Dahil sa maling bintang na siya ang utak sa trahedya ng kapatid nitong si Beatrice, naging impyerno ang kanyang buhay. Sa hangaring makabayad ng utang at tuluyang makalayas, sinubukan ng dalaga na gawin ang lahat pero hindi siya nagtagumpay. Habang tuluyang namamatay ang puso ni Elowen, isang marahas at baliw na na pag-aangkin naman ang unti-unting lumalamon kay River. Paano kaya kung isang araw, malaman ni River na may anak siya kay Elowen?
212 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Exclusive For Him

Exclusive For Him

Umalis ang nobyo ni Elisa, papuntang Maynila pang doon 'ay mas makaipon ng pera para sa kanilang pagpapakasal. Ngunit hindi pa nagtatagal si Francis sa Maynila, ay bigla na lang itong hindi nagparamdam kay Elisa, labis ang pag-aalala ni Elisa, sa kaniyang nobyo dahil nawala na ang koneksyon nilang dalawa. Dahil sa pag-aalala at takot na rin dahil sa isipin ni Elisa, na baka may nangyaring masama sa nobyo ay agad siyang lumuwas ng Maynila. Ngunit sa kaniyang pagluwas ay magbabago bigla ang takbo ng buhay niya dahil kay, Smael Chavez. Smael Cuervo, a mafia boss na sasamahan ni Elisa, kapalit ng tulong na hahanapin ang nobyo niya ay ang pagsama niya kay Smael, ngunit sa kaniyang paghahanap kay Francis, ay matutuklasan niya na ang nobyo ay may ibang babae ng kasama.
104.9K viewsCompletedAdded to Library 147 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Working as a Maid for the Billionaire

Working as a Maid for the Billionaire

Ang hirap mabuhay kapag palagi nalang nag-iisip tungkol sa pera. Mahirap bumangon sa araw-araw kung lagi mong poproblemahin ang pangtustos sa araw-araw. Iyan ang buhay ni Anya, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagtrabaho na kaagad siya pagkatapos ng high school para tumulong sa pangtustos nila sa araw-araw. Nabiyayaan siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang kasambahay sa mga Villamor, ang pamilya ng crush niyang si Lucas Villamor noong high school. Nanumbalik ang kilig at pananabik niya nang makita ulit ang lalaking pinapangarap niya. Maayos naman ang lahat, ngunit napapadalas ang engkwentro nila ng kanyang boss na si Sir Lucas. Umabot sa punto na, hindi na sapat ang ginagawa niyang 'admiring from afar' lamang. Alam niyang hindi magbubunga ang nararamdaman niya, sa estado palang ng buhay, alam niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi kakumpa-kumpara kay Lucas. Mapigilan niya kaya ang nararamdaman niya para sa amo niya? Paano kung may nararamdaman din ito para sa kanya? Ano kaya ang gagawin niya lalo na’t alam niyang bawal na makipag-relasyon sa amo niya?
105.3K viewsOngoingAdded to Library 111 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

alfiellore
Simula nang mamatay ang mga magulang nina Hendrick at Althea ay nagbago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging mahigpit kasi ang lalaki kay Althea kahit na ginagawa naman ng dalaga ang lahat ng gusto nito. Mabuti na nga lang at may mabuting puso si Althea dahil kahit kailan ay hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Hendrick Hanggang sa dumating ang isang gabi na magpapabago sa sitwasyon ng dalawa. Sa kalagitnaan kasi ng gabi ay umuwi si Hendrick ng lasing at doon ay may naganap sa dalawa. Simula noon ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging malambing ito at maalaga na ikinatuwa ni Althea ng husto. Subalit panandalian lang pala ang lahat. Kasabay kasi ng pagdating ni Isabel ay magbabago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Si Isabel daw kasi ang nag-iisang babae na minahal ni Hendrick sa buong buhay nito. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Althea na iwanan si Hendrick at magpakalayo-layo. Paano kung sa huli ay si Hendrick naman ang maghabol kay Althea? Papapasukin pa kayang muli ni Althea si Hendrick sa buhay niya o iiwasan na ito dahil may Harry na sa buhay niya?
102.9K viewsOngoingAdded to Library 83 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
1019.1K viewsOngoingAdded to Library 764 Times as hugot kay crush
Read
+Library
Craving Dad's Best friend

Craving Dad's Best friend

Mula pagkabata ay may paghanga na si Crisanta kay Lysander, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa muli nilang pagkikita, lalo pang tumindi ang damdamin niya at ganoon din kay Lysander. Sa kabila ng pagtutol ng iba, pinili nilang pumasok sa bawal na relasyon. Ngunit sapat ba ang kanilang pag-ibig para labanan ang lahat ng humahadlang?
650 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as hugot kay crush
Read
+Library
SEAL OF LOVE

SEAL OF LOVE

Si Veronica Smith, isang dalagang matalino at mabait mula sa probinsiya, ay nagpunyagi upang maiahon ang kanyang pamilya. Ngunit ang isang aksidente ay magbabago ng lahat, matapos tulungan ang matandang si Venus, inialok siya ng kasal kay Jarred Heart, isang matagumpay at napakasupladong CEO, at guwapong apo ni Venus. Wala sa plano ni Veronica ang magpakasal sa isang estranghero, ngunit sa halagang isang milyong piso para sa operasyon ng kanyang ama, pinirmahan niya ang kontrata—bawal mainlove, bawal makakaalam ang kanilang kasal, at bawal makialam sa buhay ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat, lihim na nahulog ang loob ni Veronica kay Jarred, habang para kay Jarred, ang kanilang relasyon ay isang simpleng kontrata lamang. Habang papalapit na ang araw ng annulment, nagsisimulang magbago ang lahat—may bagong manliligaw si Veronica, si Kenny Bill, isang katrabaho na may tapat na pag-ibig para sa kanya. At doon, nagising ang puso ni Jarred na mahal na pala niya si Veronica. Pero para kay Veronica, nagsimula nang mag-give up, natatakot na madurog ang kanyang puso. Maagaw pa ba ni Jarred si Veronica mula kay Kenny, o tuluyan na bang magkakahiwalay ang kanilang mga landas? Ang isang kasal na nag-umpisa bilang isang kontrata, magtutuloy kaya sa isang tunay na pagmamahalan?
102.1K viewsCompletedAdded to Library 82 Times as hugot kay crush
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status