My Love From The Past
Paano ko siya mapapaibig kung pareho naming kinamumuhian ang isa’t isa?
Napapikit nalang ako at naalala si Kian, ang ka-love team ko. Sa loob ng apat na taon, nagawa ko siyang pagtiisan at nagawa kong papaniwalain ang mga taong mayroong special na pagtingin sa aming dalawa. “Dalawang buwan lang, Lucky, dalawang buwan mo lang siyang pagtitiisan at makakalaya ka na. Sisiw lang ang lahat.” Bulong ko sa sarili ko at kinolekta ang natitira kong pasensya sa katawan para bumalik sa kanila.