Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret
Sa loob ng tatlong taon, buong pusong minahal ni Kaelin Daisy Castellon Kensington ang kanyang asawang si Harrison Vincent Kensington. Tinanggap niya ang malamig nitong pagtrato, at ang katotohanang hindi nito kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Habang patuloy siyang nagsasakripisyo para sa kanilang pagsasama, unti-unti namang napapagod ang kanyang puso.
Para kay Harrison, si Kaelin ay isa lamang asawa sa papel, isang babaeng laging naroon at hindi aalis kailanman.
Ngunit nagkamali siya.
Isang araw ay bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Saka lamang napagtanto ni Harrison ang halaga ng babaeng matagal niyang binalewala. Ang tahanang dati'y puno ng pag-aaruga ay naging tahimik. Ang babaeng akala niyang habambuhay na maghihintay ay marunong din palang sumuko.
Habang unti-unting bumabangon si Kaelin at binubuo ang buhay na wala si Harrison, nagsisimula namang gumuho ang mundo ng lalaking minsang ipinagkait sa kanya ang pagmamahal.
Handang gawin ni Harrison ang lahat upang maibalik ang kanyang asawa. Ngunit ang Kaelin na kanyang muling makikilala ay hindi na ang dating babaeng handang magsakripisyo para sa kanya.
Sa pagkakataong ito, si Harrison naman ang hahabol.
Siya naman ang magmamakaawa.
At siya rin ang susubok na palambutin muli ang pusong siya mismo ang nagpatigas.
Ngunit sapat ba ang pagsisisi upang maibalik ang isang pag-ibig na matagal nang napagod? O huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang natutong magmahal?
Kapag ang sobrang umibig ay paulit-ulit na nasaktan at napagod, maaari pa ba itong magbigay ng pangalawang pagkakataon?
O may mga pusong kapag tuluyang bumitaw, ay hindi na kailanman muling babalik?