Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sold To The Devil (Tagalog)

Sold To The Devil (Tagalog)

Buong buhay ni Mildred ay isa lamang siyang bayarang babae. Maganda siya't pinagnanasaan ng mga kalalakihan, ngunit kilala siya sa Underground hindi lang sa kaniyang ganda—kundi sa pagiging bayolente niya sa mga lalaking bumibili sa kaniya. Sanay na siya sa madilim na mundong iyon, ngunit kahit anong mangyari, hinding-hindi niya bibitawan ang pangarap na balang araw ay magiging malaya siya. Pero nagbago ang lahat nang bilhin siya ni Zaccheus Gonzales, ang pinaka-makapangyarihang mafia boss sa bansa. Isang lalaking walang konsensya at sanay makuha ang lahat ng gusto niya—at ngayon, iisa lang ang kailangan niya: isang tagapagmana. Unang tingin pa lang, alam na ni Mildred kung anong klaseng lalaki siya. Wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo o kayaman. Ngunit nag-alok si Zaccheus ng isang bagay na hindi niya kayang tanggihan—maging asawa niya at dalhin ang kaniyang anak, kapalit ng kalayaang matagal na niyang pinapangarap. Isang simpleng kontrata, ngunit isang madugong sugal. Sa oras na pirmahan niya ang kasunduan, makukuha kaya niya ang kalayaang hinahangad niya, o tuluyan siyang mabibilanggo sa bisig ng isang demonyong ayaw siyang pakawalan?
1013.8K viewsOngoingAdded to Library 399 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
1025.8K viewsCompletedAdded to Library 850 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
The Billionaire's Forgotten Wife

The Billionaire's Forgotten Wife

​"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako nang ganyan? You’re just my brother’s secretary. Know your place." ​Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Ezekiel Morgan—ang bilyonaryong suplado, mapagmataas, at walang pakialam sa mundo. Pero sa likod ng bawat matatalim niyang tingin, ang nakikita ko ay ang lalaking pinakasalan ko limang taon na ang nakalilipas sa isang liblib na probinsya. ​Para sa kanya, isa lamang akong hamak na empleyado. Pero para sa akin, siya si Vince Sullivan—ang misteryosong estranghero na naging mundo ko sa loob ng tatlong buwan bago niya ako iniwan nang walang paalam. ​Ngayong nakatira ako sa iisang bubong kasama siya, dalawang bagay lang ang maaari kong kahantungan. ​Ang mapatunayan ko na siya ang nawawala kong asawa. ​O ang madurog muli sa harap ng lalaking mahal ko na hindi ako maalala.
415 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
My Stepbrother is My Professor and Secret Lover

My Stepbrother is My Professor and Secret Lover

Raiahnara had been having an affair with her stepbrother and professor, Engr. Shiloah Jace Buenavista. Kung paano nagsimula iyon, hindi na rin niya alam. All she remembered was that they used to despise each other… until it led to one reckless and heated night between them. At ang isang gabing iyon ng karupukan ay umabot ng taon. They just couldn’t get enough of each other. But their arrangement was purely physical. Dahil anila, mas magiging kumplikado kung lalagpas pa sila roon. At least this way, they could call it quits anytime and forget everything that had happened between them once they got bored. Unfortunately for them, destiny had other plans. Shiloah was set to be part of an arranged marriage between their family and the family of their father’s business partner. And now, Aiah was confused. Hindi niya namalayang umabot na pala siya sa puntong ayaw na niyang may kahati. She didn’t realize until then that she only wanted him for herself. Si Shiloah ay dapat para lang sa kanya. Kaso… paano niya ipaglalaban ang isang bagay na sa simula pa lang ay itinanggi na nila? Kakayanin niya nga ba? Lalo na kung si Shiloah na mismo ang unang susuko at pipiling sumunod sa obligasyong itinakda ng kanilang pamilya? — THIS BOOK CONTAINS MATURE THEMES, EXPLICIT SEXUAL CONTENT, AND SCENES THAT MAY BE DISTURBING OR TRIGGERING TO SOME READERS.
10405 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
THE ALPHA'S CONTRACT BRIDE

THE ALPHA'S CONTRACT BRIDE

Kailangan ni Aria ng pera para iligtas ang pamilya niya. Kaya pumayag siya sa isang kasunduan — magpakasal siya sa malamig at makapangyarihang alpha na si Damon, kahit isang buwan lang. Pirma lang ang kailangan niya. Hindi ang puso niya. Pero hindi ganoon kadali. Si Damon, possessive, malamig, at ayaw magpatalo. Sa bawat araw na kasama niya ito, unti-unting nagbabago ang lahat. Ang galit nagiging atraksyon. Ang pag-ayaw nagiging pag-ibig. Pero paano kung malaman niyang ang kasal nila ay parte lang ng mas malaking plano? Tatakas ba siya, o pipiliin niyang manatili sa lalaking una pa lang, kanya na
80 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
9.5K viewsCompletedAdded to Library 303 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
KUYA NINONG

KUYA NINONG

Dalawampu’t dalawang taong gulang na si Mia Santos, at sa buong buhay niya, laging nandiyan si Ethan Reyes. Tatlumpung taong gulang, matalik na kaibigan ng kaniyang ama, at ninong niya sa binyag. “Kuya” ang tawag niya rito nang mag-isa lang sila, “Ninong” naman kapag may ibang nakikinig. Siya ang nagturo kay Mia magbisikleta, siya ang nagbibigay ng regalo tuwing Pasko — ang matanda at maaasahang gabay na itinuturing niyang parang kapatid. Ngunit walong taon ding nawala si Ethan sa ibang bansa, at nang bumalik siya, wala na ang dating kilala ni Mia. Iba na ang kaniyang mga mata — mas seryoso, mas malalim, at may nakatagong init na hindi niya maipaliwanag. Tahimik at maingat na siya kumilos, pero ang bawat tingin kay Mia ay tila may ibang kahulugan, matindi at mapanganib. “Hindi ka na bata, Mia,” bulong nito. “Pero para sa akin, lagi kang magiging akin.” Nagulo ang mundo ni Mia. Ang pamilya nila ay mariing tumutol — bawal ito, mali, at labag sa dapat. Ninong at inaanak sila; magkaibang mundo at tungkulin ang nag-uugnay sa kanila. Gayunpaman, sa tuwing hahawakan ni Ethan ang kaniyang kamay, tila humihinto ang lahat at nawawala sa isip niya ang bawat pagbabawal. Habang nilalabanan ni Mia ang kaniyang puso, unti-unting nahahayag ang katotohanan sa likod ng pagbabalik ni Ethan. Isang pangakong binitawan noon, isang lihim na kasalanan ng nakaraan, at dahilan kung bakit handa siyang harapin ang lahat — kahit ang galit ng lahat — makasama lang at maprotektahan siya. Ngayon ay nasa harap siya ng matinding pasya: Tatalikuran ba niya ang lahat ng paniniwala at utos ng iba para sa taong ipinagbabawal niyang mahalin? O pipiliin ba niya ang lalaking mula pa sa simula, siya lang at siya pa rin ang tanging nilalaman ng puso at pagmamahal?
116 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
The President's Duty Bride

The President's Duty Bride

Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
10806 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
The Mafia's Fake Wife (SPG)

The Mafia's Fake Wife (SPG)

SPG | R-18 Sa edad na bente cuatro ay isang licensed agriculturist na si Hera at nagtatrabaho para sa bayan nila. Magisa na lang siya sa buhay, ngunit sinusuportahan siya ng ama niyang gobernador kahit na tagong anak lang siya. Tanging ang puno, lupa at mga hayop lang ang bumubuo sa kaniyang mundo. Not until she becomes a witness to a murder, an event that shatters her peaceful existence. Nasaksihan niya ang isang karumal-dumal na pagpatay ng isang nakamaskarang salarin malapit sa tirahan niya. Plano rin siyang patayin ng killer, ngunit naunahan niya ito. Isang desperadong hampas niya lang ng pala niya sa ulo nito, ay naging duguan ito at nawalan ng malay. Akala niya ay makukulong din siya, kaya tinawagan niya ang ama niya. That's when she find out that the man was actually a dangerous mafia. Isang mafia lang naman ang kinalaban niya! At higit sa lahat, ay hindi raw ito magigising agad dahil na-comatose ito. Upang makaligtas mula sa iba pang masasamang tao na siguradong maghahanap sa lalaki, ay sinunod ni Hera ang utos ng kanyang amang gobernador— “Hide him. Keep him alive. Never ask why.” He becomes her darkest secret—but not forever. After a year, the man awakens with no memory of who he is. Sa takot na mapatay siya nito ay naghasik si Hera ng isang delikadong kasinungalingan— “Ako ang asawa mo.” As the days passed by, the man craves her touch, while she prays he’ll never regain his memories. Kakayanin niya ba ang bawat nagaalab na haplos ng lalaking kinatatakutan niya? Hera thought that her lies would save her forever, pero paano kung bumalik ang memorya ng lalaki?
430 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
3.9K viewsOngoingAdded to Library 134 Times as isang bala ka lang part 2
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status