Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare
Si Samantha Gomez ay bunga ng isang pagkakamali—isang "bastarda" sa mata ng kanyang mayamang ama. Pinabayaan siya kasama ng ina na may karamdaman. Sa gitna ng hirap at pang-aapi ng kanyang madrasta, ang tanging tumulong sa kanya ay ang kanyang Ninang Amanda—ang matapang na CEO ng Soliven Holdings. Dahil sa utang na loob, ibinuhos ni Samantha ang buong oras niya sa pagtatrabaho bilang executive secretary nito.
Ngunit may isang malaking problema sa maayos na niyang buhay—si Enrico Soliven.
Si Rico ang nag-iisang tagapagmana ng mga Soliven—gwapo, matalino, pero isang spoiled brat at playboy na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang araw ni Samantha. Lumaki silang turingan ay magkapatid, pero sa bawat mapanuksong tingin at lapit ni Rico, unti-unting nahuhulog ang loob ni Samantha—isang bagay na pilit niyang pinipigilan.
Habang pilit na inaabot ni Samantha ang kanyang pangarap at ang atensyon ng kanyang "dream boy" na si James, lalo namang nagiging mapang-angkin si Rico. Sa likod ng mga asaran at tensyon, may mga lihim na pilit itinatago ang kanilang mga pamilya—mga katotohanang maaaring sumira sa tanging pundasyong pinanghahawakan ni Samantha.
Sa mundong puno ng kataksilan at panlalait, paninindigan ba ni Rico ang pagiging "sutil" para makuha ang puso ng kanyang kinakapatid? O mananatili silang bilanggo ng nakaraang pilit silang pinaghihiwalay?