Ang Naghihiganteng Puso
Ilang sandali lang ay may nagbukas ng pantaong gate at iniluwa doon ang may edad na babae na sa tingin niya ay katulong dahil sa unipormeng suot nito.
" Maayong gabie, unsay kinahanglan nimo, miss? " tanong nito sa dalaga gamit ang dialect ng lugar na ang ibig sabihin ay 'magandang gabi, anong kailangan mo miss? '
" Magandang gabi din po." sagot niya na ngumiti ng tipid sa babae. " Ako po si Stacey Morado, kaibigan po ako ni Luna, manang. Nandyan po ba siya? " tanong niya rito. Tiningnan siya nito ng makahulagan mula ulo hanggang paa. Hindi niya kilala ang matanda. Marahil ay hindi na niya ito naabutan noon.
Hot Chapters