My Young Daddy (Tagalog)
Umaliwalas ang mukha nito at saka bibong sumagot, “My name is Crayon Zacharael Montereal. And you? What’s your name po?”
Ngumiti siya pabalik. “Hello, Crayon. I’m Crixzus Sy De La Croix . . . You asked me if I was your dad. Do you want to call me Dad?”
Nagningning ang inosente at munting mga mata nito, animo’y tala sa kalangitan.
“R-really? I’m actually allowed to call you Dad?!”
Tumango siya na may ngiti sa mga labi, ang sarap nitong pagmasdan. Tila binabagbag sa saya ang kaniyang puso.