The Billionaire's Substitute Bride
"Nakapagpasya na kasi kaming ituloy ang engagement nila after the acquaintance party. Tapos hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkakasundo. Mainit ang dugo ni TJ kay Rain. Baka pwede mo kaming tulongan, Kaisha."
Napakagat-labi ako at dahan-dahang tumango. "Susubukan ko po."
"Thank you, Kaisha. Total parang magkapatid na kayong dalawa ni TJ. Tulongan mo na lang siya sa lovelife nilang dalawa ni Rain." Tumitig siya sa akin ng ilang segundo. "At baka may ideya ka rin kung sino ang girlfriend ng anak ko. Sabihin mo kagaad sa akin kapag may nalaman ka, ha? Gusto kong makilala ang girlfriend niya sa lalong madaling panahon, Kaisha. Kung mahal niya talaga 'yon, hinding-hindi matatakot si TJ na ipak