Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Cold Billionaire's Secret Wife

The Cold Billionaire's Secret Wife

Sa edad na diyese-nuwebe ay nagpakasal si Liza kay Midnight, ang bilyonaryong binili ang lupaing pamana ng yumao niyang lolo. Subalit tila naging masikip ang mundo niya sa piling nito. Ni hindi siya maituring na asawa ni Midnight. Kasing lamig ng yelo ang puso nito, ayaw ng atensiyon. Gusto na niya itong sukuan kahit nasanay na ang puso niya rito. Ngunit isang gabi ay umuwi ito at sinugod siya sa kuwarto, hinalikan at inangkin. At dahil sa kapusukan, nagparaya siya. Inakala ni Liza na mamahalin na siya ni Midnight pagkatapos ng gabing pinagsaluhan nila. Ngunit bigla sila nitong inalok ng sampung milyon kapalit ng divorce. Labag man sa kalooban ngunit pumayag siya. Subalit sa kaniyang pag-alis ay nagimbal siya sa natuklasan. Nagbunga ang gabing pagniniig nila ng dating asawa! Hahabulin ba niya ang karapatan, o ililihim ang katotohanan?
Romance
10187.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Impostor Bride

The Billionaire's Impostor Bride

Nang mamatay ang kanilang ina noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay nagmistulang ulila si Sierra at tila itinakwil na ng kanyang ama, sinisisi siya nito dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Kahit na ganoon ang trato sa kanya ng kanyang ama ay walang namuong sama ng loob sa kanyang puso at sa halip ay inisip na totoo ang sinusumbat nito at tinanggap iyon. Sa kagustuhan niyang mabigyan ng kahit kaunting pansin at pagkalinga ng kanyang ama ay sinusunod niya ang lahat ng mga utos nito kahit na labag sa kanyang kalooban. Mas lalong nagpabigat ng kanyang kalooban nang hilingin ng kanyang ama na palitan ang kanyang kapatid at magpanggap na siya si Noemi Sienna sa araw ng kasal nito sa isang bilyonaryong bulag. Hanggang sa kasalan lamang ba magtatapos ang lahat? Ano ang mararamdaman ng lalaking ikakasal kapag nalaman nitong ibang babae pala ang kanyang napakasalan?
Romance
9.97.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Innocent Courtesan

His Innocent Courtesan

Ms. Caffeine
Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho; ang pasiyahin ang mga kalalakihan gamit ang kaniyang katawan. Dumating ang isang lalaking tinanggap siya sa kahit na gano'n ang kaniyang trabaho, itinuring normal kahit na maruming bagay ang tingin sa kaniya. Ngunit hindi sinasadyang nagdalang-tao ito at sigurado siya kung sino ang ama ng bata. Pero paano? Paano niya sasabihin sa taong iyon? Paano kung hindi maniwala ang lalaking iyon? Gagawin niya kaya ang panibagong kasalanan? o paninindigang mag-isa ang batang nasa sinapupunan?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marriage Deal with the Sexy Billionaire

Marriage Deal with the Sexy Billionaire

"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?" Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to." _____ Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya. Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae. Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito. At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Sino ang pipiliin niya?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The VonTobel's Heir

The VonTobel's Heir

Si Gianna Marie Falcon ay galing sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ay matindi ang pagpupursigi niya upang makaahon sila sa kahirapan. Kaya no’ng niyaya siya ng kaniyang Tiya Sabel na maging isang stripper sa isang prestihiyosong club ay kaagad niya itong tinanggap kahit labag ito sa kalooban niya. Doon ay nakilala niya ang isang mala-adonis na pangangatawan at pantasya ng mga kababaihan,siya ay si Ivo Stephan VonTobel isang bilyonaryo at may-ari ng respetado at sikat na kompaniya sa buong Pilipinas. Si Ivo ang naging una’t huling costumer ni Gianna, una palang niyang nakita ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit may anong kiliti sa kaniyang puso kapag nakikita at nakadikit ito sa kaniya. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila, gabing hinding-hindi niya malilimutan kailanman. Ngunit paano kaya kung bumunga ang gabing pinagsaluhan nila? Dalawang cute na tsikiting at kamukha pa ito ng ama nila. Sila ba ang magsisilbing paraan upang sila ay magkasamang muli, o hahayaan lang ni Ivo ang mag-iina niya dahil may asawa na siya?
Romance
1014.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
GEORGINA MENDOZA

GEORGINA MENDOZA

mavis 242720
Before they wed. Damien, explain to Georgina na ayaw pa muna niyang magka-anak sila, labag ito sa kalooban ni Georgina pero pumayag ito sa kagustuhan ng kasintahan, wala naman kasi siyang magagawa kundi sundin ito. She's just to in love for him to notice her own feelings. After the wedding Georgina began to be a loving housewife for Damien, she always care and obey him that his husband feels so satisfied. But not untill something happen, Noticing something is off of her like she was pregnant. Confirming it if it's true and yes, she's having a baby on her womb and the father is none other than her husband Damien. With a lot of what If's and turmoil on her mind she realize that her husband don't want kids, causing her to build up such fear on her chest, natakot siya na baka hindi ito tanggapin ni Damien, she began to panic at hindi na niya alam ang gagawin. She already decided not to tell her husband, at gustuhin man niyang mag stay ay hindi maaari kaya naman sinunod niya ang kanyang instinct. Run away, hide and never turn back to her husband, to not explain anything before leaving her husband behind. Pero iyon din ang naging dahilan kung bakit siya hinabol habol ng asawa. ©mavis🧡
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving The Tarvande

Loving The Tarvande

"Sino ba sa dalawang Tarvande ang mamahalin ko? Ang ama o ang anak?" Isang simple at mahinhing babae si Mercedes Abeleda. Sa kahirapan ng buhay ay nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang upang may pangtustos at pampaaral sa kaniyang tatlong nakababatang kapatid. Dahil grade 6 lamang ang natapos ay hirap si Mercedes na makahanap ng trabaho, hanggang dumating ang pagkakataon at isang oportunidad ang naghihintay sa kaniya sa Maynila; ang maging tagapagalaga sa isang senior citizen na malakas ang karisma na si Fiandro Tarvande. Si Fiandro ay madalas suminghal at magalit kaya't suhestyon ng kaniyang anak na kailangan nito ng tagapagbantay. Kahit labag sa loob niya ay wala siyang nagawa, sa halip, nahulog pa ang kaniyang kalooban sa pagiging mabait at maalagain ng dalaga. Nagmahalan at in-offer-an ng kasal ni Fiandro si Mercedes. Ang inaakala niyang magiging masayang pagsasama nila ay tila mauudlot nang dumating ang anak ni Fiandro na si Alfred—Ang lalaking magiging hadlang at handang gawin ang lahat upang mapasakaniya ang pag-ibig ni Mercedes. Ano nga ba ang magiging kahihinatnan sa pag-aagawan ng mag-ama para sa nag-iisa nilang minamahal na dalaga?
Romance
10707 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BEYOND HER DESIRE

BEYOND HER DESIRE

Tearsilyne
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang unibersidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Isa itong high-class university sa buong bansa ngunit mas gugustuhin pa niyang mag-aral sa ibang university huwag lamang dito. Gustuhin man niyang magback-out ngunit wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat pasukan narin sa susunod na linggo at ang unibersidad lamang na ito ang tumaggap sa kanya. Labis pa niyang ipinagtaka na sa dami ng unibersidad na pinag-applyan niya ay wala ni isa sa mga ito ang nag-email sa kanya upang magbigay ng feedback. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang mga magulang, ay wala na silang magagawa sapagkat isa sa mga batas dito ay hindi na pwedeng mag-back out ang mga natanggap sa enrollment. Kung hindi ay mas lalong malalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Sa unang tapak pa lamang niya sa Shioma University ay hindi niya lubos maisip na may isang lalakeng makakapasok sa kanyang dorm. Ang lalakeng mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay. "I won't let anyone to see your precious body, babe. No one or I'll not hesitate to kill them."
Romance
105.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire

Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire

“I will agree to whatever you want, Ms. Aragon. I will give you a million, but in return, you'll be my mistress and partner in bed...” Hindi kaagad nakahuma si Lalaine sa sinabing iyon ng lalaki. Paano mangyayari ang gusto nitong maging kabit siya gayong kasal sila? “P-Pero kasal tayo, hindi ba?” naguguluhang tanong naman ni Lalaine na may munting kirot sa puso. “Sa papel lang tayo kasal, Ms. Aragon,” sagot naman ni Knives na bakas ang iritasyon sa tinig. “Hindi ko na uulitin ang tanong. Ano ang sagot mo?” malamig pa tanong sa babae. Dahil wala nang pagpipilian pa ay sumagot si Lalaine kahit labag sa kanyang kalooban, “S-Sige, pumapayag ako...” Si Knives Dawson, ang pinakamayamang businessman sa buong Luzon ay palihim na ikinasal sa isang ulilang dalaga na si Lalaine Aragon. Napilitan lang na magpakasal ang dalawa sa isa't-isa dahil sa kagustuhan ng kanilang mga minamahal na lola. May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang taong langit at lupa ang agwat ng katayuan sa buhay? Paano kapag nalaman ni Lalaine na mahal pa pala ng lalaki ang first love nito at nakatakda nang magpakasal ang dalawa. Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan bilang asawa gayong alam niyang walang pagmamahal si Knives para sa kan'ya?
Romance
9.51.3M viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (136)
Read
Idagdag sa library
Lyca Mangandi
Ganda po ng Story! sana mas magtagal pa ito. good job po author! ...️ sana may bagong update ulit. Mayamang pamilya kaya si Lalaine? ...️ excited here! ano kaya ang plano din ni Gwyneth? ... buhay pa kaya si Elijah? ... malalaman na din ba ni Eros ang babaeng chineckup nya noon na asawa pla ni Knives ...
GennWrites
HELLO PO! SA LAHAT NG MAGBABALAK NA MAGBASA NITO, MALAMANG SA KALAGITNAAN NG KWENTO, HIHINTO KAYO DAHIL APING-API ANG BABAE. PERO PANGAKO, HABANG TUMATAGAL AY MASA-SATIESFIED KAYO SA KWENTONG ITO. KAYA ANG SUGGESTIONS KO, SILIP PO KAYO SA MGA COMMENTS SA LAST CHAPTER PARA MAGKAROON KAYO NG IDEA ...
Basahin ang Lahat ng Review
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10913 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status