Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mistress Series: Bedroom Negotiations

Mistress Series: Bedroom Negotiations

Iniwan ng Tatay ni Apple ang ina dahil sa isang kabit. Dahil dito ay isinumpa ni Apple na kailanman ay hindi siya maninira ng pamilya. Hinding-hindi niya hahayaan ang sarili na manakit ng iba. Puputi na lamang ang uwak ngunit sisiguraduhin niyang magiging isa siyang mabuting babae. May respeto at paggalang sa sarili. Ngunit, paano kung maglaro ang tadhana? Papaano kung isang pangyayari ang babago sa kaniyang isinumpa? "Papalayain ko ang Nanay mo kung papayag kang maging kabit ko?" -Judge Condrad Aguirre Tatanggi pa ba siya? Kung ang tanging paraan para matulungan ang ina ay ang manira ng pamilya? "If being with him is a sin. Then, convict me now." -Apple Santibañez @SheinAlthea
Urban
1018.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10701 viewsOngoing
Read
Add to library
OPERATION: Seducing Ruthless Tycoon

OPERATION: Seducing Ruthless Tycoon

Matapos ang isang malaking pagkakamali sa huli niyang mission, napilitan si Charlene Dumont na tanggapin ang trabahong personal secretary ni Bastien Morel, ang kilalang masungit, perfectionist, at ruthless na CEO ng Vireya Corporation, isang high-profile na kumpanya sa Pilipinas. Pero hindi lang basta trabaho ang pakay ni Charlene. May kailangan siyang makuhang code mula kay Bastien, isang critical na detalye para maayos ang sablay sa nakaraan niyang operasyon. Ang hindi niya alam, si Bastien ay hindi basta-basta boss. Isang maling kilos lang at puwede kang mawalan ng trabaho... o masira ang buong pangalan mo sa industriya. Iisa lang ang reputasyon nito: terror. Pero handa si Charlene na gawin ang lahat, kahit pa ang pakisamahan ang lalaking tingin ng lahat ay halimaw. Ang hindi niya inaasahan? Na unti-unti siyang mahuhulog sa lalaking dapat sana’y lalabánan niya. Makukuha ba niya ang code bago siya tuluyang bumigay sa tukso? O tuluyan na bang magiging Mission Impossible ang lahat?
Romance
455 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me Harder, Mr. Billionaire

Love Me Harder, Mr. Billionaire

"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Romance
9.492.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA

PRESCRIPTION FOR REVENGE: THE ZILLIONAIRE'S HUMBLE PLEA

“Pakiusap, huwag mo akong iiwan, Calliope, hindi ko yata kayang mawala ka sa buhay ko. Bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang lahat,” nagsusumamo na ani ni Kael sa asawa. ********** Paano kung isang kang martyr na asawa at bulag pagdating sa pagmamahal sa asawa, ngunit bigla itong nagbago, isang iglap lang? Paano kung bigla na lang nagbago ang lahat dahil sa anak mong nag-aagaw-buhay at ang tanging nais mo lang ay makasurvive ito sa operasyon na alam mong 50/50 ang tsansa. Sa ilang taong pagiging martyr na asawa ni Calliope, tila ngayon lang siya natauhan. Tila lahat ng masasakit na nakaraan ay nag-flashback sa utak niya habang nakatitig sa anak niyang si Elara na nakaratay sa hospital bed. At ang tanging nararamdaman niya lang ay ang galit sa puso niya para sa asawa niyang si Orion Kael Almazan, The Cold-hearted Zillionaire. At wala siyang ibang nais kundi ang maghiganti sa asawa niyang walang alam kundi ang mambabae.
Romance
10186 viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.98.2K viewsCompleted
Read
Add to library
I JUST BECOME HIS NEW PRICELESS POSSESSION

I JUST BECOME HIS NEW PRICELESS POSSESSION

Si Mallie ay isang simple at mahirap lang na babae, ng mapag desisyunan niyang lumayas sa bahay nila para mamuhay mag isa at sundin na kong anong gusto niya sa buhay. Sa araw ng paglalayas niya ay nakilala niya si Losian, isang gwapong estranghero na lalaki. Inalok siya nito ng tulong at sinabing matagal na siyang gusto ni Losian. "You don't need to suffer anymore" "Just be my girl and I can be your genie" Tinanggap ni Mallie ang alok ni Losian Sa mga lumisan na mga buwan ay walang humpay na kasiyahan ang natanggap at naramdaman ni Mallie. Ngunit sa lahat nga ng kasiyahan ay may kalungkutan. Mas marami pang problema ang dumating sa buhay ni Mallie. At ang kaniyang pagmulat sa katotohanan na nararapat lang ba talaga niyang gamitin si Losian para sa mga bagay na hindi niya naranasan dati. Nararapat lang ba na gamitin niya ang pagmamahal ni Losian para sa kaniya na hindi niya makakayanang tumbasan. Malalagpasan kaya ni Mallie ang mga problemang ito. Sa kasabihan nga ay wala kang matatanggap na karangyaan na walang kapalit.
Romance
65 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1026.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Montefalco Series 2: One Night Mistake

Montefalco Series 2: One Night Mistake

Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa-ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.
Romance
1043.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Short Story · Romance
1.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status