Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status