The Architect: Past or Future
Agad na kumurba ang malaking ngiti sa labi ng tinawag nilang Kyra.
"Hello po mga Ate at Kuya!" bati nito, at lalong sumingkit ang mga mata niya dahil sa sobrang pagngiti.
Sa unang tingin pa lang, mahuhulaan mong may dugong Korean siya. Singkit ang mga mata, puti na kasing kulay ng papel ang balat, matangos ang ilong, at may maliliit at manipis na labi. Mas lalong bumagay sa maliit niyang mukha ang curtain bangs at kulot na kulot na buhok. Half-Korean half-Filipino siya, pero mas tumatak at mas kitang-kita ang katangian ng pagiging Korean niya.
Hot Chapters