Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
YA/TEEN
5.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Mister Billionaire's Sunshine

Mister Billionaire's Sunshine

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
Romance
910.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Assistant, My Secret Husband

My Assistant, My Secret Husband

Only child si Honey Jane  De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae.  Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito?  At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane  sa isang introvert na si Zacharias? 
Romance
449 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
10712 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?
Romance
103.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sight of Soul

Sight of Soul

ferocéarcadiaSuperpowerDrama
The future can't be seen, pero sa kaso ni Percy ay hindi para sa kanya ang kasabihang iyon nang mangyari ang isang kakatwang aksidente sa pagitan nila ni Luke—isang estranghero. Hindi akalain ng dalawa na magkakaroon sila ng isang matibay na pisi na magkokonekta sa kanilang pagkatao, na walang anu-ano'y nababalutan na ng misteryo. Makakabalik pa nga ba sila sa kani-kanilang pagkatao o tuluyan nang babalutin ito ng kadilimang hatid ng isang 'di-kilalang nilalang.
Fantasy
103.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall R-18 written

Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall R-18 written

Lumaki man ang Isang dalaga na walang Ina,Ang tanging nakasama lamang nito ay Ang kanyang ama,Na Mula pa sapol naging sakit na niya sa kanyang ulo, Isang araw dinala siya Ng kanyang ama sa Isang club na high class na pagmamay- Ari Ng Isang baklang nag ngangalang mama weng, ngunit tumangi ito dahil sa kulang pa sa edad.Ngunit Dahil sa kagandahang taglay nito at ganda Ng katawan tinanggap Siya Ng may-ari . Pagsapit Niya Ng ika labing - walong taon ,naging tampolan Siya Ng mgA lalaki'ng ayok sa laman kapag ito ay sumasayaw Kahit night ties Ang suot ,makikita pa Rin Ang ganda Ng katawan nito Lalo na Ang kanyang hinaharap. Paano Kong Isang araw Kunin Siya Ng Isang pinaka mayamang tao sa mundo, tall and handsome na hinahangaan Ng maraming kababaihan at kinikilalang playboy , At gawinh bilang alalay nito. Tangtanggapin kaya niya,,? Paano Kong kelan Nila mahal na mahal Ang isa't Isa,at may nabuo na sa kanilang pagmamahalan , Saka Naman dumating Ang totoong nagmamay- Ari sa taong mahal niya, kaya ka Niyang ipaglaban Ang kanilang pagmamahalan ,o' bibitaw na lamang Siya kahit alam Niyang masasaktan siya at Ang lalaking mahal Niya?, Series I;The Virgin Prostitute (Havana)the playboy downfall
Romance
10224.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Accidentally Yours, Mr. CEO!

Accidentally Yours, Mr. CEO!

"Ouch, ang sakit ng ulo ko," daing ko habang hawak ito. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at umupo. "Teka, nasaan ako?" Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako at nagpapakalasing upang makalimot. Niloko kasi ako ng long time boyfriend ko pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon. At para panandalian makalimutan ang sakit ay nagpasya akong magpunta sa bar para aliwin ang sarili ko. Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto ko na wala akong saplot. "Bakit nakahubad ako?!" Bulalas ko habang kipkip ang katawan ko ng kumot. Wala akong suot na bra, kahit panty ay wala, ang nakakabahala ay masakit pa ang gitna ko... palatandaan na may nangyari na hindi dapat. Nanigas ako ng maramdaman na may gumalaw sa tabi ko. "Oh no..." Ayokong lumingon dahil kinakabahan ako. Pero kailangan kong kumirmahin ang hinala ko, kaya dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang huling tao na naisip kong makikita ko. S-si Sir Elijah, ang CEO at boss ko! May nangyari sa aming dalawa! Ang unexpected sex naming dalawa ay nauwi sa kontrata ng kasal at sa loob ng isang taon ay pag aari niya ako.
Romance
1014.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status