Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 43 Times as lost life latest version
Read
+Library
The Secret Life of Secretary Kim

The Secret Life of Secretary Kim

- MATURE CONTENT Kinailangang magbalatkayo at itago ni Kim ang angkin niyang ganda at karisma upang matanggap sa trabaho bilang sekretarya ng gwapo at mayamang CEO na si Marco Chavez. Hindi niya alam na may mas malalim pa silang koneksyon nito na nangyari sa nakaraan. -------- Nancy Alcantara, Jolina, Charmaine, Tiffany. Mga babaeng kinahumalingan ni Marco Chavez na CEO ng isang kumpanya. Paano kung malaman niyang ang mga babaeng iyon ay iisang babae lang pala... at ang babaeng iyon ay ang Sekretarya niyang nagbabalatkayo pala sa ibang anyo. .SSPG .CEO .Secretary .Taguan ng anak .Multiple personality
1010.1K viewsOngoingAdded to Library 253 Times as lost life latest version
Read
+Library
Marriage Life With My Innocent Secretary

Marriage Life With My Innocent Secretary

“Kahapon boss ko pa siya. Ngayon, asawa ko na.” ------ Si Felicia Sanuevoz ay secretary ng boss niyang womanizer na si Alessandro na kilala sa lahat. Gwapo naman ito, mayaman, maraming pera, pero ni minsan ay hindi siya nagkandarapa. Dahil hindi lang naman pera ang marami sa boss niya, pati na rin babae! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikakasal siya sa babaerong boss na ito. Paano kaya magagampanan ni Felicia ang bagong responsibilidad na ibinigay sa kaniya gayong wala naman itong experience? NBSB pa naman siya. Inosenteng inosente. No boyfriend since birth? Hmm, hindi. Kung ang boss niya ang magsalita, NBSB means, “Never naBayo Since Birth!” ------ "Offer accepted, Mr. Lamonte. I will be your wife for a year."
102.0K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as lost life latest version
Read
+Library
Endless life with my Billionaire Lover

Endless life with my Billionaire Lover

WARNING RATED SPG. Read your Own Risk... Fake marriage ang naging susi ni Exell upang makatakas sa kasal  sa kanyang Step-sister na si Zerania Lucero na patay na patay sa kanya, hanggang sa makilala niya si jhaxien, na noon  ay tumatakas rin sa lungkot na dulot ng nakaraan at naghahanap ng kaligayahan at matuturing niyang tahanan. Ngunit ang nagsisimula nilang pagmamahalan ay mauumsyami ng ipatapon si Jhaxien sa Segovia, ang isang lugar kung saan pinamumunuan ng isang walang awa at brutal na tao si Lexford Folleir isang Mafia boss. psychopath maniac na mahuhumaling sa kanya. At kayang pumatay ng kahit sino.
769 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as lost life latest version
Read
+Library
A Life With Five Attorneys (TAGALOG)

A Life With Five Attorneys (TAGALOG)

RAINEENEE
She is Margarette Leora Bartolome, a girl who are suffering from severe narcolepsy. Naging pagala-gala sa masikot na daan simula nang mapalayas ng mga kamag-anak. Paano kung sa pagiging pakalat-kalat ay mapunta siya sa lugar kung saan nakasanayang tambayan mg limang lalaki? Will it drives to her unbelievable journey in life and love?
1012.7K viewsOngoingAdded to Library 329 Times as lost life latest version
Read
+Library
The Billionare Behind Her Forgotten Life

The Billionare Behind Her Forgotten Life

Nagising si Maxine sa ospital sa Maynila na walang matandaan, hindi maalala ang sarili niyang pangalan o ang nangyari bago siya na-ospital. Hinarap niya ang mundong hindi niya kilala, kasama si Anthony, isang lalaking mayabang na tila may alam sa kanyang nakaraan, at si Amanda, isang mahinahong babae na may lihim na intensyon at protektado ni Anthony. Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban para maibalik ang alaala, natutuklasan ni Maxine ang mga piraso ng relasyon niya, lalo na kay Mikael, isang misteryosong lalaki na posibleng kasintahan niya.. Habang hinaharap ang galit at pagkukulang ng pamilya, at mga suliraning pinansyal, nakita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Claudine at iwinaksi ang kanyang nakaraan. Sa gitna ng nakalimutang nakaraan, komplikadong pamilya, pagmamahal at pagtataksil, kailangang piliin ni Maxine kung haharapin ba niya ang nakalimutang buhay o sisimulang muli ang bagong yugto ng kanyang buhay.
10444 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as lost life latest version
Read
+Library
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
513 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as lost life latest version
Read
+Library
Lost in the Maze: Elias de Marcel

Lost in the Maze: Elias de Marcel

Si Atasha Celestine ay isang dalagang hindi nagpapahiwatig ng anumang damdamin o interes sa ibang mga lalaki. Sa loob ng labing-apat na taon, buong puso niyang inilaan ang kanyang pagmamahal kay Elias Al Tiera de Marcel. Mula pa noong sila'y nasa high school hanggang sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo, at maging sa panahon na sila'y may kanya-kanyang trabaho, hindi nagbago ang kanilang pagsasama. Para kay Atasha, ang pag-iisang dibdib na lamang ang hinihintay sa kanilang relasyon, at kuntento na siya sa buhay na mayroon sila. Subalit, sa kabila ng labing-apat na taong pagsasama, hindi pa rin niya nakakamtan ang anumang pangako ng panghabambuhay na pagsasama. Dahil wala pang singsing na nagbibigay katiyakan, maaaring isipin ng iba na hindi sila magkakatuluyan. Nag-alay siya ng lahat para kay Elias, ngunit sa kanilang mahabang paglalakbay, dito niya nadama ang kakulangan.
7.76.9K viewsOngoingAdded to Library 254 Times as lost life latest version
Read
+Library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as lost life latest version
Read
+Library
After Divorce: Lost in Lust and Love

After Divorce: Lost in Lust and Love

Gray Series 5 (Arison Gray's Story-Eldest Son of Jett Jamison Gray and Arya Armani) Dahil sa sakit na endometriosis ni Serene Choi ay niloko siya ng ex-husband niyang si Dylan West. Nagawa pa nitong buntisin ang babae nito kaya walang pag-aalinlangan siyang nakipaghiwalay rito. Dala ng pagkapoot sa dati niyang asawa ay nagpunta sa bar si Serene. Nagpakalasing siya at nakipagniig sa isang lalaking hindi niya inaasahan--si Arison, ang binatang dati niyang tinuruan na nagmula sa mayamang angkan ng mga Armani at Gray. Sampung taon ang agwat nila sa isa't-isa pero dahil sa nangyari sa kanila ay hindi na rin nagawang iwasan ni Serene ang lalaking may malaking pagkagusto sa kaniya noon pa man. Mas nagulantang ang mundo niya nang malaman niyang nagdadalang-tao siya! Hindi lang isa o dalawa kung hindi tatlong sanggol ang nasa sinapupunan niya at sa mas hindi inaasahang pagkakataon ay inaya siya bigla ng kasal ni Arison--bagay na mas ikinagulat niya. Magiging maayos kaya ang pagsasama nina Serene at Arison sa kabila ng malaking agwat nila sa edad? Talaga bang may happily ever after matapos ang pakikipag-diborsyo niya sa maling tao? Matatanggap kaya siya ng buong angkan ni Arison? Magtutuloy-tuloy na kaya ang kaniyang kaligayahan o patitikimin lamang siya ng kaunting ginhawa kapalit ng mas miserableng buhay?
5.2K viewsOngoingAdded to Library 129 Times as lost life latest version
Read
+Library
PREV
1
...
678910
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status