SWEET PUNISHMENT
Ang sarap lang sa pakiramdam na may nag-aalaga.
"Tigilan mo yang pagtingin-tingin mo sakin, baka lalo kang mainlove sakin," Natatawang sabi niya. Ang mga mata ko ay para lamang talaga sa kanya, siya nga lang ang nakikita nito kahit pa nakapikit ako. Ngumiti na lamang ako't nagsimula nang kumain.
"S-sarap naman ng luto ng magiging asawa ko," Hindi ko maiwasang purihin siya dahil sa napakasarap niyang luto.