Ang Mukha ng Pag-Ibig
Maria Angela Gonzales
Hindi rin naman siya nagkulang sa sex para maghanap ito ng iba.
Shit! Bakit mo nagawa sa akin ito, Irene? Nanggigigil niyang tanong habang binabalikan sa isip ang kanilang nakaraan.
HINDI man ito ang unang pagkakataon ni Zak makakita ng pagkaganda-gandang babae, pero ngayon lang siya nakaramdam ng pagkatulala dahil tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon at huminto sa kanyang harapan. Hindi niya tuloy napigilang itanong sa sarili, isa ba itong diyosa o anghel? Mahaba ang itim na itim nitong buhok na tumatabing sa maliit at hugis puso nitong mukha na binagayan ng mala-diyamanteng mga mata na may mahahabang pilik, matangos na ilong at manipis na mapupulang mga labi. Tantiya niya’y nasa 5’8”
Hot Chapters