Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
Romance
10638 viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)

Si Sheids Noah Fawzi ay isang tagapagmana ng isang malaking kumpanya sa Turkey pero nilisan ang bansa at pamilya upang i-pursue ang pangarap na maging teacher sa Pilipinas, sa bansa kung saan lumaki ang kaniyang Filipina na ina. Nag-iisang anak ito na lalaki kaya ang pangarap ng ama nitong Turkish siya itong magpapatuloy ng legacy ng kumpanya ng pamilya. Pero ang passion niya sa pagtuturo na nakuha niya sa side ng ina ay mas malakas kaysa hatak ng pagiging business minded sa side ng ama. Sa Polaris University ito nagta-trabaho as Mathematics' Professor, Calculus major. Ang isang taon na balak lang nitong pananatili sa bansa ay naging tatlong taon, at dinagdagan nang makilala si Astherielle Zuluetevo, ang kauna-unahang estudyante nitong pumukaw sa atensiyon niya. Napakagandang babae sa kabila nang pagiging simple. Pumasok ito sa klase niya sa suot na hindi pa niya nakikita sa mga estudyante sa University, naka-oversized t-shirt, baggy pants at rubber shoes. Si Astherielle ay ilang buwan pa lang na nakalalabas ng facility dahil na-diagnosed siya ng kakaibang sakit, nymphomaniac. Doon nanatili sa loob ng dalawang taon para magpagaling. Nang makompleto ang gamutan, gumaling, lumabas at nagpatuloy sa buhay. Pero nang makilala niya ang guwapo at kakaibang Professor, may sumasanib na naman rito na kakaibang kaluluwa. Sa takot niyang bumalik ang dating sakit, bumalik siya sa pag-inom ng anti-depressant na gamot. Sa kabila ng naging sakit, naprotektahan niya ang pagkabirhen sa pamamagitan nang pagiging maingat at maagap. Nilabanan niya ang sakit gamit lahat ng makakaya niya noon, at iyon uli ang gagawin niya kung sakaling balikan siya ng sakit. Isang gabi ay nalaman ng Profressor ang katago-tago niyang sekretro. At hindi niya inasahan kung paano siya nito tinulungan at pinrotektahan sa mga tao at sa mundong mapanganib. Ang unang lalaki na rin na pagbibigyan niya ng sarili.
Romance
1019.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status