Sa Piling Ng Pilyong Bilyonaryo
Si Arabella Villanueva.
Napakaganda niya sa personal. Suot niya ang isang eleganteng beige jumpsuit, may hawak na mamahaling designer bag, at ang kaniyang bawat galaw ay parang pinag-isipan sa sobrang swabe. She was elegant, yes, pero ang mga mata niya ay may dalang kakaibang talas na mahirap itago. Kilala siya bilang isang mahusay na aktres, pero sa likod ng camera, bulung-bulungan sa industriya kung gaano siya kamandataryo at manipulative pagdating sa mga bagay na gusto niyang makuha. At ang isa sa mga bagay na iyon ay si Jeriel Severin, ang kaniyang dating fling bago pa ako pumasok sa buhay ng bilyonaryo.
ตอนยอดนิยม