The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi
"Isang malaking namuong dugo sa labas ng utak niya. Base sa itsura ng clot, nangyari ito noong nauntog siya nang napakalakas—maaaring noong araw ng barilan at sunog sa mansyon. Dahil mabagal ang pagdurugo, inabot ng ilang araw bago lumaki ang hematoma at naiipit ang utak niya. Iyon ang dahilan ng pagkahilo, nosebleed, at ng seizure niya kanina."
Natigilan si Gabby. Ang paghinga niya ay umaangat-baba nang mabilis. "I-Ibig sabihin... walang cancer?"
"Walang cancer, Mr. Altamirano," kumpirma ng Neurosurgeon, tinatapik ang balikat ni Gabby. "Nilinis na namin ang namuong dugo. We cauterized the bleeding vessel. Her brain is perfectly healthy. Makaka-recover siya ng 100%. Walang taning ang buhay n