Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY

Si Maria Chestine Salva–Selvestre ay isang butihing may bahay na mayroong masayang pamilya kasama ang anak niyang si Jonas at asawang si Johan Selvestre. Wala nang ibang mahihiling pa si Chestine dahil ang pangarap niyang masayang pamilya ay ipinagkaloob na sa kanya. Ngunit tila mababago ang lahat sa buhay nila nang dumating si Eunice Casson, ang kinuhang Nanny ni Johan para sa anak nilang si Jonas na may lihim palang pagtingin sa kanya. Kinalaunan ay may mamumuong lihim na relasyon sa pagitan nina Johan at Eunice na ikasisira ng buo at masayang pamilya ni Chestine. Malaman kaya agad ni Chestine ang lihim na pagtataksil ng mahal niyang asawa? Makaya kaya ng konsensya ni Johan na ipagpatuloy ang bawal nilang relasyon ni Eunice? Hanggang kailan maitatago ni Johan ang marumi niyang sikreto?
Romance
1012.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Gabriella Castillo, isang adopted child ng mayamang pamilya Castillo ang magkakaroon ng lihim na pagtingin sa kaniyang Kuya Francis— ang Hot Tycoon na panganay na anak ni Señora Marianna. Hindi niya inaasahan na mahulog siya nang tuluyan sa gwapo niyang kuya dahilan para ialay niya ang sarili rito. Ngunit, paano kapag dumating ang araw na malaman ng kanilang pamilya ang tungkol sa lihim at bawal nilang relasyon? Mapapanatili niya pa kaya ang pagiging bunso sa pamilyang umampon sa kaniya? O mawawasak nang tuluyan ang relasyon niya sa pamilya Castillo?
Romance
10482 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1023.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Hidden Thorns

Hidden Thorns

Lumaki si Airy sa isang masayang pamilya, kailan man ay hindi niya naramdaman na may kulang sa kanya. Kaya nangako siya sa kaniyang sarili na susuklian niya ang mga ginawang sakripisyo ng kanyang pamilya. Nang makapagtapos siya ng pag aaral ay nag trabaho siya sa isang kilalang kompanya at hindi niya inaasahan na siya ay tatanggapin agad. Dahil doon nakilala niya ang nag iisang apo at nag mamay ari ng Dobouzet Enterprise. Hindi niya alam na ang binata ay matagal na siyang sinusubay bayan. At dahil sa binata ay malalaman ni Airy ang sekretong matagal ng ibinaon sa limot. Handa ba siyang tanggapin ang katotohanan? Ang katotohanang ipinag kait ng kaniyang pamilya?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ms. Uncertainty, the Runaway bride

Ms. Uncertainty, the Runaway bride

elreina
A popstar was involved in a huge affair scandal. Para maresolba ang problema, napagkasunduan nila kasama pamilya ng kalove team niya na magpakasal, hanggang sa madesolve ang mga issue tungkol sa kaniya. But, her impulsiveness and uncertainty made her encounter an accident that changed her life. From a famous popstar, she became an ordinary person who left her life, together with her memories, in the past.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ALTERS [Book 2]

ALTERS [Book 2]

“Sampalin mo ako ng kasinungalingan Hahalikan kita ng katotohanan…”- Hannah Masayang pamilya at marangyang pamumuhay, ang lahat ng ito ay tinalikuran ni Hannah at mas pinili niya na maging isang Madre. Subalit, sinubok siya ng tadhana, nilinlang siya ng kanyang pamilya. Sapilitang ikinasal sa isang lalaki na sa hinagap ay hindi pa niya nakita. Dala ng kabutihang loob, tinanggap niya ang lahat, at natutunan niyang mahalin ang asawa. Handa siyang magtiis alang-alang sa kanyang mag-ama. Subalit, isang bahagi ng nakaraan ang pilit na bumabalik. Huwad na pamilya, wasak na pagkatao at asawang kailanman ay hindi siya binigyang halaga… Magawa pa ba niyang buuin ang mga bahagi ng kanyang pagkatao na nagkapira-piraso? O hahayaan na lang niya na lamunin siya ng kanyang kahibangan at mga pantasya? Kasinungalingan na sumasampal sa katotohanan—“ALTERS”
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Gorgeous Pet

The Billionaire's Gorgeous Pet

Si Arkin Andres, isang batang bilyonaryo, ay malapit nang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya, si Zandreah Binonzo—isang elegante at napakagandang babae na hinahangaan ng lahat. Ang kanilang kasal ay itinakdang magbuklod sa dalawang makapangyarihang pamilya, ngunit isang buwan bago ang seremonya, natuklasan ni Arkin ang pagtataksil ni Zandreah. Sa isang pribadong beach sa Pilar, nasaksihan ni Arkin ang masayang pagtitinginan nina Zandreah at ng isang lalaking hindi niya kilala. Ang tagpong iyon ay winasak ang kanyang puso. Galit at sugatan, nagpasyang ipatigil ni Arkin ang kasal, ngunit tinutulan ito ng kanyang ama. Para sa pamilya, ang kasal ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig—ito ay isang selyo ng kapangyarihan at karangalan. Sa desperasyon ng kanyang ama na mapanatili ang plano, kinuha nila si Yunifer Alcalde—isang bagong graduate ng fine arts na baon sa utang—upang pansamantalang ilihis ang atensyon ni Arkin. Bagamat nag-aalangan, tinanggap ni Yunifer ang kakaibang alok kapalit ng malaking bayad, kahit alam niyang si Arkin ay kilala bilang malamig, arogante, at malupit. Akala ni Yunifer, madali lang sundin ang mga utos ni Arkin at tiisin ang kanyang ugali. Ngunit habang magkasama sila, hindi niya inaasahang mas mahirap ito kaysa sa kanyang iniisip. Unti-unting nabuo ang tensyon sa pagitan nila, at ang damdamin ni Arkin para kay Yunifer ay naging mas matindi at makapangyarihan. Tatanggapin ba ni Yunifer ang baluktot na pagmamahal ni Arkin, o pipiliin niyang tumakas bago pa tuluyang maging huli ang lahat?
Romance
473 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Taste Of The Mafia Boss Endless Love

The Taste Of The Mafia Boss Endless Love

"I'll make sure that you will regret marrying me and you will suffer because of what your family did to my girlfriend." — Valerian Fernsby, leader of the England Mafia. ——— Bilang isang taong lumaki sa tahanan na itinuturing siyang black sheep ng pamilya, hindi kailanman nawawalan ng pagkakataon si Alice Hermione Dawson na tanungin ang kanyang sarili kung ano ang mali sa kanya at kung bakit siya mali ang pagtrato sa kaniya. Isang bagay lamang ang nais niya, ang tratuhin siya ng kanyang pamilya bilang bahagi nila. Pero ang ibinigay sa kanya ay pakasalan ang isang lalaking hindi niya man lang kilala. At sa pinakamasamang bahagi, ang lalaking pakakasalan niya ay ang lider ng isang Mafia Group sa England. Valerian Fernsby, isang malamig at walang awang tao. Isang bagay lang ang gusto niya, ang makamit ang katarungan para sa kanyang kasintahan, na namatay dahil sa pamilya ng dalaga. Kaya pinakasalan niya si Alice dahil ito ang magbabayad para sa ginawa ng pamilya nito sa kanyang yumaong kasintahan. Pero magtatagumpay ba si Valerian na makamit ang katarungan para sa kanyang kasintahan kung malalaman niyang wala namang alam si Alice tungkol sa mga maling ginagawa ng kanyang pamilya? O mas pipiliin niyang hindi ito pakinggan dahil maaring nagsisinungaling lang ito? Magtatagumpay ba si Valerian sa kaniyang plano kung unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa anak ng pumatay sa kaniyang yumaong kasintahan?
Mafia
10956 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bloodline 1: The Eternal Blood

Bloodline 1: The Eternal Blood

Clara Xiey
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman niya na hindi normal ang mga magulang at kapatid niya. Pumunta sila sa Outlandish, ang mundong pinanggalingan ng magulang. Sa pagtira nila doon, marami siyang natuklasang lihim tungkol sa pamilya at pagkatao niya, lihim na nagpabago sa buhay niya.
Fantasy
2.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status