Fated to Love You
Ngayon, siya si Mayumi – ang babaeng may malaking ngiti, ang babaeng masaya sa simpleng mga bagay, masayang makasama ang mga tao sa isla, ang makatulong sa nursing home at sa mga bata.
Masaya siyang makabalik at manatili ng matagal dito sa isla Verde. Marami siyang magagawang makabuluhan kasama sina Michelle at Auntie Maya.
Bukod sa pagiging malapit sa mga tao ang pinakagusto niya sa lugar ay ang bahay nina Michelle, na nasa tabi mismo ng dalampasigan, na parang isang paraiso. Ang tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang sariwang simoy ng hangin ang palaging hinahanap ng sistema niya.