Love Game with my Executive Assistant
Hindi nagtagal, napansin na ni Liana na hindi na lang nanonood ang kaniyang ina, nakasandal na ito sa kaniyang ama, hawak ang mango juice, at tahimik na nakangiti.
“Daddy!” sigaw ni Liana, sabay lapit sa gilid ng pool. “Bakit si mommy po ay hindi sumasali?”
Napatingin si Luna sa kaniyang anak, at bago pa siya makasagot, si Yael na ang sumagot.
“Bawal muna si mommy sa tubig,” mahinahong sabi ni Yael. “Kaka-opera lang niya, remember?”
“Ah…” Bahagyang nalungkot ang mukha ni Liana. “Masakit pa po ba, mommy?”
Hot Chapters