Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)
Si Liam Yang, isang sikat na aktor na lumaki sa Pilipinas at kasal kay Barbie Cheng, isang kilalang aktres. May dalawang anak sila at nabuo ang kanilang pamilya sa kabila ng pressure ng showbiz at mga kontrata na nagbabawal sa pagbubunyag ng kanilang relasyon.
Isang aksidente ang nagbago sa lahat nawalan ng alaala si Liam at nakalimutan niya na may asawa at mga anak siya. Para maprotektahan ang pamilya, itinago ni Barbie ang katotohanan at pinanatiling lihim ang kanilang tunay na relasyon. Sa panahong iyon, unti-unting muling nahulog ang loob ni Liam kay Barbie, kahit hindi niya alam na asawa niya ito.
Ngunit nagulo ang lahat nang pumasok ang isang obsessed na babae sa buhay ni Liam, na naging sanhi ng kasinungalingan, selos, at pagkasira ng tiwala. Dahil dito, napilitang lumayo si Barbie kasama ang bunsong anak, habang ang panganay ay naiwan sa pamilya sa Pilipinas.
Pagkalipas ng ilang taon, bumalik si Barbie upang bawiin ang kanyang pamilya at ang mga karapatang kinuha sa kanya. Nang bumalik ang alaala ni Liam, muli silang naharap sa komplikadong sitwasyon na puno ng sikreto, sakit, at pag-aalinlangan.
May pag-asa pa bang mabuo muli ang kanilang pamilya, o tuluyan na silang paghiwalayin ng nakaraan at mga pagkakamaling hindi na mababawi?
Sikat na Kabanata