กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Chained by the Billionaire

Chained by the Billionaire

Akala ko tapos na ang gabi. Tahimik na ang buong bahay, pero hindi ang dibdib ko. Kagagaling lang namin sa isang party—hosted by his mother. Ang daming tao. Ang daming mata. Pero kahit na ipinakilala niya akong secretary lang, ramdam ko ang pag-aangkin sa bawat sulyap niya. Lalo na nang may lalaking lumapit sa akin. Lalo na nang ngumiti ako, kahit sandali. Doon ko siya nakita—yung paninigas ng panga, ang lalim ng tingin na parang babagsak ang langit. Kaya hindi na ako nagulat nang may kumatok. Malakas. Walang pasintabi. Pagbukas ko ng pinto, naroon siya. Si Cayden. Nakatayo sa dilim, may halong galit at silakbo sa mukha. Hindi siya nagsalita agad—dumiretso siya sa loob, isinara ang pinto, at hinila ako papunta sa kama. “Cayden, what are you—stop!” Nagpumiglas ako. Umiwas. Pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Lumuhod siya sa kama, pinilit akong mapahiga. At saka siya bumulong, malamig ang boses, pero parang nasusunog ako sa bawat salita. “Tonight, whether you like it or not… I’m going to claim you.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ito tanong. Hindi ito pakiusap. Ito ang utos ng isang lalaking hindi kailanman tinanggihan. Hindi siya aalis. Hindi siya titigil. At ngayong gabi— Tatatakan niya ako ng pangalan niya. Kahit hindi ako handa.
Romance
1030.0K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Entangled Hearts

Entangled Hearts

Arthemis_Aine
"I accepted everything, even your unborn child na walang ama tapos susuwayin mo ang utos ko? Akira gusto mo bang lumaki ng walang kinikilalang ama 'yang anak mo?" Sermon, yan ang palaging bungad ng stepmother ko sa tuwing pupunta ako dito sa bahay. Tumingin ako sa mga mukha nito, halata dito ang galit at inis. Napayuko lang ako dito sa sofa habang nakaupo. All my life I was a spoiled brat girl but in one night, in just one mistake nagbago lahat. Nakita ko ang pag hakbang nito palayo, ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita muna ito. "You have no choice Akira, its either abort that child or marry Mr. Briar." "WHAT?" Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo, napahinto naman si tita Belle. Lumingon ito sakin na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw. "A-anong si Mr. Briar?" "Yes, Mr. Reigh Briar. You know him right? Sila ang number 1 kalaban ng pamilya natin this coming election, so kung maikakasal ka sa kanya, you'll be staying there and be our spy." "Pero—" "No buts Akira." may diing sabi nito at tuluyan ng umalis. Si Reigh? Sa lahat ng lalaki si Reigh pa talaga? Why him? Kaya ko nga di pinaalam sa kanila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay para lumayo sa kanya tapos ngayon siya ang papakasalan ko? PAPAKASALAN KO ANG EX KONG AMA NG DINADALA KO?
Romance
102.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Six Months Agreement with Mr. Arrogant

Marya_makata
Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, higit kanino man si Vanna ang nakakaalam ng mga bagay na iyan sapagkat simula pagkabata ay nakasunod lamang siya sa yapak ng nakatatandang kapatid at sa lahat nang utos ng kanyang ina. Kaya naman nang makilala niya si Atticus, inakala niyang ito na ang lalaking para sa kanya. Makalipas ang tatlong taon ay pumayag siyang magpakasal dito ayon na din sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ilang araw bago ang dapat sana ay kasal nila, nahuli niya itong nagloloko. At ang masakit, sariling kapatid niya ang nakapatong dito. Dala nang pinaghalo-halong emosyon at tama ng alak na basta na lamang nilaklak, siya ay nagising sa isang hindi pamilyar na kama. Tandang-tanda niya ang gabing pinagsaluhan nila ng estraherong iyon at matutuwa na sana siya ngunit nang alukin ng pera kapalit ng paggamit sa kanyang katawan ay nagalit siya dito. Nilayasan niya ang walang hiya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa pagkakataong iyon wala na siyang kawala. Kailangan siya nito para magpanggap na asawa hanggang makuha ang mana at kailangan niya ito para magkapera. The timid yet sweet woman with a painful past and an arrogant business tycoon with a heartbreaker for a middle name. How long lust would last?
Romance
714.6K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

KweenMheng12
Dahil sa isang pagkakamaling hatol ay naging angel cupid ang dalagang si Alyanah. Dahil nabigo siya sakanyang misyon ay pinarusahan siya at muling naging tao. Makikilala niya ang dahilan ng kanyang pagkakaaksidente apat na taon ang nakalipas. Si Keird Sendo Mondragon ang the heartless ceo. Dahil nabigo sa unang pag- ibig ay magiging matigas ang puso ng binata, pero magbabago ang lahat ng makilala niya ang angel cupid na si Alyanah. Dahil sa tunay na pagmamahal ni Keird Sendo kay Alyanah ay muling nakabalik ang kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan na comatosed. Ngunit ang kapalit sa muling pagbalik ni Alyanah sa kanyang normal na buhay ay makakalimutan niya ang lahat mula sa kanyang pagiging angel cupid at pati na si Keird Sendo. Nang makabalik na si Alyanah sa kanyang pagkatao ay malalaman niya na ang kanyang bestfriend at boyfriend ay may relasyon na at magpapakasal na ang mga ito. Malalaman din niya ang dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente ay ang walang puso na ceo na si Keird Sendo. Mapapatawad niya ba ang binata sa mga kasalanan nito sa kanya. Pero paano kung sa muli nilang pagkikita ay muling tumibok ang kanyang puso at maalalang muli ang kanilang nakaraan na pag- iibigan… Pipiliin bang muli ni Keird Sendo si Alyanah kahit na nakokonsensiya siya sa mga nagawang kasalanan sa dalaga kung ito ang nagpapatibok ng kanyang puso. O susundin ang utos ng kanyang mga magulang na pakasalan ang kanyang ex- fiancé na nang- iwan sa kanya noon.
Romance
101.3K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire's Gorgeous Pet

The Billionaire's Gorgeous Pet

Si Arkin Andres, isang batang bilyonaryo, ay malapit nang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya, si Zandreah Binonzo—isang elegante at napakagandang babae na hinahangaan ng lahat. Ang kanilang kasal ay itinakdang magbuklod sa dalawang makapangyarihang pamilya, ngunit isang buwan bago ang seremonya, natuklasan ni Arkin ang pagtataksil ni Zandreah. Sa isang pribadong beach sa Pilar, nasaksihan ni Arkin ang masayang pagtitinginan nina Zandreah at ng isang lalaking hindi niya kilala. Ang tagpong iyon ay winasak ang kanyang puso. Galit at sugatan, nagpasyang ipatigil ni Arkin ang kasal, ngunit tinutulan ito ng kanyang ama. Para sa pamilya, ang kasal ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig—ito ay isang selyo ng kapangyarihan at karangalan. Sa desperasyon ng kanyang ama na mapanatili ang plano, kinuha nila si Yunifer Alcalde—isang bagong graduate ng fine arts na baon sa utang—upang pansamantalang ilihis ang atensyon ni Arkin. Bagamat nag-aalangan, tinanggap ni Yunifer ang kakaibang alok kapalit ng malaking bayad, kahit alam niyang si Arkin ay kilala bilang malamig, arogante, at malupit. Akala ni Yunifer, madali lang sundin ang mga utos ni Arkin at tiisin ang kanyang ugali. Ngunit habang magkasama sila, hindi niya inaasahang mas mahirap ito kaysa sa kanyang iniisip. Unti-unting nabuo ang tensyon sa pagitan nila, at ang damdamin ni Arkin para kay Yunifer ay naging mas matindi at makapangyarihan. Tatanggapin ba ni Yunifer ang baluktot na pagmamahal ni Arkin, o pipiliin niyang tumakas bago pa tuluyang maging huli ang lahat?
Romance
470 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Billionaire's Hidden Mask

Billionaire's Hidden Mask

Paano kung ang kagustuhan mong mamuhay nang mapayapa upang takasan ang nakaraan ay unti-unting nabubuhay sa kasalukuyan? Ang nangyaring unos, krimen o trahedya sa pamilya ni Bethany Francheska Hamilton ay hindi pangkaraniwan. Sa loob ng dalawang taon ay namuhay siya nang normal. Maaraw sa araw na iyon. Nakilala ni Bethany ang lalaking si Danger. Sumulpot ito bilang kapitbahay niya sa inuupahang apartment katabi nang sa kanya. Wala itong sinabi noong una, ngunit ang panahon na mismo ang nagtalaga kung bakit dumating ang lalaki roon nang biglaan. Iyon ay magiging bodyguard 'raw niya ito. Sa hindi ni Bethany malamang rason at kung kaninong utos nanggagaling iyon. They became acquaintance. Pinoprotektahan siya nito sa abot nang makakaya nito. Ang totoong katauhan ni Danger ay hindi tuluyan ni Beth na napagtanto. Paano kung isang araw ay matuklasan ni Beth ang lihim nitong itinatago. Ang pangalan nitong ipinakilala sa kanya ay isa lamang palang palayaw na konektado sa napakadelikado nitong trabaho. Higit sa lahat, paano kung mapag-alaman niyang matagal na pala siyang niloloko nito at pinaglalaruan lamang siya nito. The Mask is literally hidden. At hindi alam ni Bethany kung paano pakiharapan iyon. Lalo na nang makumpirma niyang nahulog na pala ang loob niya rito sa ganoon kaikling panahon. Magagawa kaya niyang patawarin ang lalaki at kalimutan ang ginawa nito? O susundin niya ang iniutos nang kanyang puso dahil napamahal na siya rito?
Mafia
101.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
Romance
10461 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Her Indecent Love

Her Indecent Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 1: Her Indecent Love Isang modelo si Patrisha Cruz na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, upang tahimik na iluwal at mag-isang palakihin doon ang kanyang anak. Utos iyon ng kanyang mga magulang upang hindi na mapag-usapan pa ang nangyaring disgrasya sa kanya, sapagkat nabuntis siya ng hindi naman niya nobyo. Pagkalipas ng limang taon ay pinauwi na siya ng kanyang mga magulang upang tahimik na manirahan sa isang probinsya kasama si Don Carlo, ang kanyang lolo. Mula doon ay makikilala niya ang driver slash bodyguard ng kanyang lolo na si Archer Sebastian Tuazon, na kanyang pagkakainteresan. Halos lahat kasi ng lalaki sa lugar na iyon ay sinasamba ang kagandahan niya, maliban lamang kay Archer na kahit tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Maganda naman siya at maganda din ang katawan niya kahit pa may anak na siya, siguradong-sigurado siya doon sapagkat lahat ng lalaking nagdaan sa buhay niya ay iyon lang naman ang gusto sa kanya. Kaya nga matagal na siyang hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. Dahil para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki. Ngunit tila kakaiba si Archer sa mga lalaking nakilala niya. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng tahimik at supladong binata na si Archer Sebastian. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata? Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nagmamahal ng totoo ang puso niya? Mapapaibig niya nga kaya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal muli?
Romance
101.5K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
Romance
206 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
SHE'S BUYING A GIRL FOR HER HUSBAND

SHE'S BUYING A GIRL FOR HER HUSBAND

Aurora Cruz
A wife buy girl for her husband to enjoy freely her life “Saan naman? ” tanong ko pabalik. “Nagkakagulo raw sa labas te, may mag-asawa kasing nais bumili ng babae at hindi naman pumapayag si boss” sagot ni Kisha na kinataka ko. WFS which means wife for sale “Te, mukhang ikaw ang bet ng babae” tukso nitong si Kisha sa akin. j I am Carizza Laurise Somorostro, also known as the highest paid wife. The limited edition woman. Ako lang ang may pinaka-konting buyer pero kapag nagkaroon ay sangkatutak na pera naman ang kapalit. I am skilled with everything at mataas ang ratings sa akin. 6 months ang time “My dear, can I buy you? Promise you won’t regret your decision, I can pay, name the amount. I also promise your safety. I’ll hire bodyguards and buy all you want just let me buy you” pakiusap ng babae “Ma’am we can’t really consider what you want. Limited time lang ang service ni Carizza. ” paalala nito sa babae na ngayon ay nanlulumo at mukhang desperada talaga “I’m Georgianna Lanzaderas, the wife of Yhulo Lanzaderas. I’ll ask you again, Mr. Lawrence. Can I get this beautiful maiden right here? ” seryosong tanong niya at ginawaran ako ng tingin. Napalunok si Sir Lawrence at hindi nag-atubiling tumango. “Y-yes miss, Kisha please prepare the contract” natarantang utos ni Sir Lawrence na kinataranta rin ni Kisha. Lahat sila ay hindi mo maipinta ang mga mukha. Lumapit ang babae sa akin. Hindi ko alam anong klaseng mga tao sila at bakit ganito makagalaw mga kasamahan ko. Nagtataka man ay sumabay lang ako, bakit may isang asawa ang gustong bumili ng isang babae magiging asawa ng kung sino man? “My dear Carizza, tinatanggap mo ba ang offer kong bilhin ka? ” tanong ni Mrs. Lanzaderas.
Romance
10758 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
12345
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status