Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
12.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Nights With My Step-Brother

Lustful Nights With My Step-Brother

READ AT YOUR OWN RISK! R18+ Nang malaman ni Lian na niloloko siya ng boyfriend niya ay hindi niya mapigilang masaktan nang sobra. Kaya naman nagtungo siya sa isang bar para uminom at maglasing. Dahil sa epekto ng alak ay nagawa niyang pumayag sa alok ng isang lalaki na one-night stand. At simula nang gabing ‘yon ay hindi niya na naalis sa isip niya ang lalaki. Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at ipinakilala ng mama niya ang fiance nito. Ang akala niya ay magkakaroon na siya ng buo at normal na pamilya. Ngunit nang makita niya kung sino ang magiging step-brother niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang lalaking naka-one night stand niya ay walang iba kundi si Arc, ang kanyang step-brother. Pilitin man nilang magpanggap na wala silang koneksyon sa isa’t isa, hindi nila mapipigil ang init na kanilang nararamdaman. Ano ang gagawin mo kapag ang lalaking naka-one night stand mo ay naging step-brother mo? Daily Update!
Romance
10185.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
238 viewsOngoing
Read
Add to library
My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.
Romance
1018.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1043.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.
Romance
5.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
264 viewsOngoing
Read
Add to library
Chased by a Secret Billionaire

Chased by a Secret Billionaire

Brae Yannah
Sa mundong mapait ay pinilit mamuhay at magsumikap ni Cailee Estrella upang maiahon ang kaniyang sarili sa hirap. Ulilang lubos at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga taong mapang-abuso na kumupkop sa kaniyang nang pumanaw ang mga magulang niya. Ngunit sa sandaling panahon ay natamasa rin niya ang marangyang buhay sa tulong ng lalaking iibig sa kaniya at inibig din niya nang lubusan. Subalit, ang masaganang buhay na 'yon ay hindi niya inaasahang mas malupit pala ang kaniyang kapalaran. Gumuho ang kaniyang mundo nang maglaho itong parang bula at iniwan siyang mag-isa na nagdadalang tao. Sinikap niyang muling bumangon at binuhay mag-isa ang sanggol sa sinapupunan niya hanggang sa lumipas ang anim na taon. Dahil sa komplikasyon ng kalusugan ng kaniyang anak ay dinoble ni Cailee ang pagsusumikap. Hindi sapat ang pagle-labor sa palengke at pagwi-waitress kaya maging ang pagpo-prostitute ay pinasok na rin niya, at doon ay nakilala niya ang taong muling gugulo sa tahimik na niyang buhay. Hahayaan ba niyang muling buksan ang kaniyang pusong minsan nang nasugatan? Paano kung ang misteryosong lalaking ito ang magiging daan upang muli niyang matagpuan ang ama ng kaniyang anak? Paano kung ang lalaking ito rin ang gagamot sa puso niyang minsan nang nasugatan?
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I am your Legal Wife

I am your Legal Wife

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status